CHAPTER 13

962 18 0
                                    

"HIRA, AYOS KA LANG?" Nag-aalalang tanong ni Mara kay Hira na ngayo'y nakatingin sa kawalan, tila wala sa sarili.

Anong nangyayare sa babaeng 'to?

Napakurap-kurap namang napatingin sa kaniya ang dalaga at kumunot ang noo.

"R?" Nakakunot ang noo nitong tanong.

Napatawa siya ng mahina dahil sa inakto nito. "Kanina pa kita kinakausap pero parang wala ka sa sarili mo. May problema ba, G?" Tanong nito.

Umiling iling ito at parang nakabalik na sariling huwisyo. "W-wala. May naalala lang kasi ako. Pero wala na iyon." Nagsalubong ang kilay niya.

"Sigurado kang wala nga? Pwede mo namang sabihin sakin."

Ngumiti lang ito sa kaniya at inabot ang pouch niya na nasa kama. "Naku, wala iyon. Okay lang ako, R." Kinuha niya ang cellphone nasa pouch at may kung anong pininpindot doon.

Napabuga ng hangin si Mara na tumayo at bumaling kay Hira na ngayo'y busy na sa kakangiti sa cellphone.

Busy na busy ha..

"Sige lalabas muna ako at magpapahangin." Paalam niya nalang dito.

Hindi man lang siya nito binalingan at kumaway lang ito. "Gora na girl,"

Natawa siya. Umalis na siya sa room nila na iniukupa nila ngayon dito sa resort. Balak talaga niyang puntahan si Liam. Hindi kasi siya mapakali.

Gustong gusto na niyang makita ang binata.

Nang maabot niya ang room 204 ay kumatok na siya doon at naghintay. Hindi rin nagtagal ay bumukas na iyon at agad siyang nagtaka nang babae ang bumangad sa kaniya.

Kita niya ang panlalaki ng mata ng babae. Sobrang ganda ng hulma ng mukha nito at may itim na itim itong buhok. Ang mata nitong kulay dagat. Ang manipis nitong labi. At ang sobrang kinis nitong balat.

Nakaramdam siya ng insecurity. Sino ang babaeng ito? Bakit ang ganda niya? At bakit ang bigat sa dibdib dahil nandito siya sa room ni Liam?

"U-uh, Miss?" Napakurap siya nang magsalita ito.

Napakainosente nang mukha nito na nakaharap sa kaniya. Kahit siguro, kapag lalaki ako, magugustuhan ko ang babaeng kagaya niya.

"You're staring too much. I might melt the way you look at me." Nakita niya ang hiya at ilang sa mukha nito kaya napatikhim siya. Hindi parin nawala ang bigat sa dibdib niya.

Maliit siyang ngumiti dito.
"I-im s-sorry--

Agad nanlaki ang magagandang mata nito at umiling iling sa kaniya.

"No! Don't say it. I'm just kidding." May ngiti ito sa labi kaya hindi niya maiwasang maiingit. Sobrang ganda niya ngumiti!

"I'm Avyanna. Who are you, by the way?" She has this genuine smile. Not a fake one. Nakalahad pa ang kamay nito sa harapan niya.

At dahil ayaw niya maging bastos sa harapan nito ay nilaki niya ang ngiti niya at inabot ang kamay nito.

"Amara." Maikli niyang sabi.

Namangha naman ito at pinisil pa ang kamay niya na hawak nito.

"Oh my! You have a beautiful name like a beautiful girl like you! It's was nice meeting you, Amara. I hope were friends now," She giggled.

ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon