MARA
Bumuntong hininga akong umupo sa isang bench dito sa park. Pagkatapos naming mag-usap ni Joseph kanina, iniwan ko kaagad siya dahil hindi ko kayang tagalan ang pakisamasahan siya.
Noong masabi ko sa kaniya na hindi ko na maayos ang relasyon namin, walang siyang sinagot at yumuko lang.
Bakit ko ba iyon sinabi? Wala naman akong proweba na iba na ang gusto ko diba?
Hinilamos ko ang mukha ko sa mga palad at frustrated na bumuntong hininga muli.
Naguguluhan ako. Wala akong sagot sa sariling tanong. Simulan ko kayang isipin lahat?Yung una ko siyang nakilala sa building. Yung nangyare samin sa na palagi kong sinasabi na isa iyong pagkakamali dahil hindi pwede. Iyong pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya. Ang pagtindig ng balahibo ko kapag hinahawakan niya ako. Ang pagkainis ko sa pagmunukha niya.
Lahat ng iyon isa lang ang kahulugan.
I like him.
Okay. Got it.
Pero mali ang gustuhin siya diba? Hindi naman kami yung nasa novels at libro na iyong isang employee at boss ay nagkatuluyan dahil sa mainit na gabi at sa tinatagong nararamdaman. Hindi kami iyon. Mas iba ang nasa reyalidad. Mas nakokontrol mo ang nararamdaman mo.
Pero bakit ganito? Bakit ang hirap pigilan?
Naiinis ako sa kaniya! Pero bakit nag-iiba agad ang mood ko pagkaharap ko siya?
Iyong offer niya. Mas naiinis ako don. Ano ako laruan na pwedeng gamitin kung kailan niya gusto at ipapanggap? No way!
Tumayo na ako at napagpasiyang uuwi. Palubog na ang araw kaya pala nakaramdam na ako ng gutom at inaantok narin ako.
Nag-cab ako pauwi at nang mahinto na ito sa tapat ng bahay namin ay pumasok kaagad ako at sinalubong ako ng katahimikan. Na hindi na bago sakin.
"Fruto?" Tawag ko sa aso ko na sa tingin ko'y nasa likod na naman ng bahay.
"Baby fruto ko? Nasaan ka? Andito na si Mommy!" Patuloy kung tawag pero wala paring lumalabas kaya napagpasiyahan kong pumunta sa likod ng bahay.
"Fruto--" Natigilan ako nang may nakita akong lalaking nakaupong nakatalikod at nakuyukong hinihimas ang ulo ng aso kong masayang kumakain.
Nakaawang parin ang labi ko at sa tingin ko ang aso lang ang nakapansin sakin dahil nag-angat na ito ng tingin at agad tumahol at tumakbo papalapit sakin.
Nag-squat ako at iniwas ang tingin sa lalaking humarap na. Umungol ang aso nang yakapin ko ito at binuhat. Dinidilaan pa nito ang pisnge ko na nagpagaan ng loob ko.
"Kumusta ang baby ko? Hindi ka ba naging pasaway, hmm?" Tanong ko sa aso at patuloy lang itong dinidilaan ang pisnge ko at labi. Bumungisngis ako at inayos siya sa braso ko bago ko balingan muli ang lalaking nakangiting nakatitig samin.
"Pasok ka muna?" Tanong ko dito at tumango lang siya. Ngumiti ako at inunahan na siyang pumasok muli sa loob.
"Kumusta si Mama?" Kapagkuwan ay tanong ko at ibinaba si fruto na kaagad namang tumakbo sa taas.
"She wants you to come back home. When will you plan to come home in US? Her birthday will come up soon and she wants you there. She miss you. So bad." Sagot nito.
Tumawa ako.
"Ang layo naman ng tanong ko sa sagot mo. What I mean is, how is her health? Kumusta na siya?" Tanong ko muli at sinulyapan siya. I saw his serious face and pain eyes."She's dying." Walang emosyon na sabi niya na ikinatango ko.
Kinuha ko ang grapon ng gatas sa ref and then put it in table.
"Kaya ba gusto na niya akong papuntahin don? Is that what you meant?"Umiling siya.
"Mara, you know mama doesn't want your life be miserable--""Is this what you call miserable? Huh, Maru?" Sumikip ang dibdib ko. "Is this what she call miserable? She doesn't what me to be miserable but look where I'm standing now!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa hapdi sa dibdib na kanina ko pa kinikimkim.
"I become independent because she left me dumbfounded. She doesn't have a care! And I loath it! Sa tingin mo ba hindi naging miserable ang buhay ko nang iwan niya ako sa bahay nato na nasasaktan at sugatan?" Basag ang boses ko na sinabi iyon.
Dinuro ko ang sarili ko.
"I-i... l-love her, Maru. Mahal na mahal ko ang mama natin kaya hanggang ngayon may respeto parin ako sa kaniya." Madiin kung sabi at may tumulo pang isang butil na luha sa mata ko na kaagad ko ring pinunasan.Hindi lang ito umimik sa harapan ko at nakatitig lang sakin ng seryoso.
"Pero hindi e. Sa tuwing iniisip ko na iniwan niya ako para sa kapakanan ninyong dalawa, para akong isang pagkaing--kung wala ka nang gana, iiwanan mo nalang. Ang sakit e. Ang sakit na hindi man lang niya ako binalikan simula noon. Pero naiintindihan ko kasi mama ko siya. Nasa tabi ka niya at kailangan mo siya."
Huminga ng malalim si Maru at lumapit sakin para bigyan ako ng isang yakap. Ginantihan ko iyon at tumahan na.
"Tell her. I'll coming soon."
Tumango lang siya at umalis na sa bahay.
Hindi na ako nagulat pa sa inakto ng kapatid ko. Pinagalihi ata iyon ni Mama sa yelo dahil sa lamig ng ekpresiyon. Pero alam ko naman na dinamdam niya ang mga sinabi ko sa kaniya dahil kita ko iyon sa mga mata niya.
"Oh, anong nangyare sa'yo, bakla?" Nag-angat ako ng tingin sa pinto nang may narinig akong boses. Si Bena lang pala.
Inilapag nito ang paper bag na dala at lumapit sakin. Umiling ako dito at bumuga ng hangin.
"Nakita ko si bagets sa labas. Actually, nakasalubong ko siya. Hindi ko na nga tinanong kasi alam ko naman na titig lang ang isasagot non." Sabi nito nang nakaupo ito sa stole na nasa island counter.
Sumulyap ako dito at inikot ang mata.
"Nagkaroon lang ng konting tampuhan."Umismid ito at kinuha ang nasa loob ng paper bag. "We? E, bakit parang kagagaling mo lang ng iyak?"
Hindi ko pinahalata na natigilan ako sa sinabi niya. Ngumiti lang ako ng konti.
"Si mama kasi, gusto akong bumalik sa US pag birthday niya." At nagkibit-balikat ako. "E, wala naman akong magawa. Pumayag ako."Tumigil naman ang bakla at hinawakan ang kamay ko. "May probs ba, bakla?" Tanong nito.
Umiling ako at tumawa ng mahina.
"Gaga, wala." Tanggi ko."Sure ka ah kasi may naghahanap sa'yo e."
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"What? Sino naman?"Ngumisi lang ito at tumingin sa likod niya.
Nanlaki ang mata ko at agad dumagundong ang puso ko sa kaba. Tumambol iyon nang masilayan ko ang mukha na hindi ko dapat makita ngayon.Parang biglang namanhid ang tuhod ko sa kaba.
"Hi, baby."
Mas lalong tumibok ang puso ko dahil sa tinawag niya sakin. Ano bang nangyayare sakin? Gusto ko na ba talaga siya? O baka naguguluhan lang ako.
Pinilig ko ang ulo at tumingin muli kay Liam na ngayo'y nakalapit na pala sa amin.
"Iwan mo muna kami. Anyway, thanks." Sabi nito sa bakla. Ngumiti naman ng malaki ang bakla at pinalo ang braso niya na ikinasingkit ko ng mata.
"Asus! Wala iyon. Basta pagbutihin mo ha, nang may mabuo." Ani nito na ikinalaki ng mata ko. Pinandilitan ko ito at sinamaan ng tingin.
Lagot sakin ang baklang 'to mamaya
Tumango lang ang hudyo at nang makaalis na ang bakla ay tumingin na ito sakin.
Nagulat siya dahil sa sama ng tingin ko sa kaniya.
"W-what?" Gulat niya paring tanong. Mas sinamaan ko siya ng tingin.
"May gusto ka ba sa baklang 'yun?" Diin kong tanong sa kaniya.
Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumitig sakin.
"W--wh-what!? What the f-fuck, Amara!!?"
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]
RandomAmara Ramos woke up naked with a man who's her boss. Because of drunkness and her low tolerance of alcohol, someone drop her to drink a cup who has drugs. So, it ended up having a one night stand of her boss. So, aside of her problem. Because of th...