CHAPTER 09

983 21 0
                                    


MARA

"Inaantok na ako." Mahina kong sabi kay Liam na ngayo'y naghuhugas ng pinggan.

Oo, naghuhugas siya ng pinggan. Ang anak ng CEO na boss ko ay naghuhugas ngayon ng pinagkainan ko. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na umalis dahil matutulog na ako. Pero ang hudyo, nakakagulo. Nagpresenta pang maghugas ng pinggan kaya ito ako ngayon, hindi makatulog dahil sa lalaking to.

"You better go in your now and I'll just finish this stuffs." Sabi pa nito habang nasa pinggan parin ng atensiyon.

Kinuha ko naman ang pagkakataon na tingnan ang likod niya na sobrang lapad.

Natawa ako bigla. Ang malaking tao sa harap ko ay naghuhugas ng plato. Ano ba ang trip ng lalaking to? Nakakapanibago talaga.

"Did I hear you giggling?" Rinig ko pang sabi nito pero hindi ko siya pinansin.

Biglang sumagi sa isip ang alok niya. Tanungin ko kaya siya kung panggap lang ba iyon? Pero baka, sabihin niya na trip niya lang iyon at nagbibiro lang siya ng araw na iyon.

Arghh. Ewan ko ba. Pero bahala na.

Tumikhim ako at humakbang papalapit dito. "Boss?" Tawag ko dito. Bigla naman siyang tumigil at tumingin sakin.

"Boss? What's with that address? I thought it's Liam now." May taka sa mukha nito.

Umismid ako.
"Okay. Liam?" Ulit ko.

He hummed. Sign that he's listening.
"Yung sa alok mo saaakin nung nakaraang araw. Totoo ba talaga yun? Or trip mo lang na biroin ako kasi may nangyare satin?"

He chuckled and shake his head.
"Ano ba sa tingin mo?" Bumagsak ang balikat ko.

"Sagutin mo nalang kasi. Kasi, ako, naguguluhan ako kung panggap lang ba iyon o hindi."

Nagkibit-balikat siya.
"It's up to you. Bakit? Pumapayag ka na ba?"

I sighed.

Sa halip na sumagot sa tanong niya ay pumihit ako patalikod sa kaniya at pumunta sa sala. Pero bigla akong napatigil sa paghawak niya sa braso ko.

Nanatali akong nakatalikod sa kaniya nang magsalita siya.

"Can you, Amara? Can you be my wife kahit walang feelings attached?" He sincerely said. At parang may kung anong tumusok sa puso ko nang sabihin niya ang 'no feelings attached'.

No.I want to be your wife, Liam. But with feelings attached.

Binalikwas ko ang hawak niya sakin at umakyat na sa hagdan. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay huminto na ako at humarap sa kaniya.

Sumikdo ang puso ko nang makita ko ang lungkot sa mukha niya habang nakatitig sakin.

Bakit parang may ibig sabihin ang titig mo? Para bang may---

I tilted my head. No, dont assume, Mara.

Ngumiti nalang ako kay Liam at bumaba upang lapitan siya. Nang makalapit ako sa kaniya ay sumagi sa ilong ko ang pabango niya pero sa hindi inaasahan ay biglang bumaliktad ang sikmura ko na nagpalukot sa mukha ko.

Natigil ang sa pagtingin sa kaniya dahil hindi ko na kaya. Gusto kong sumuka!

Napahawak ako bibig ko at halos takbuhin ko ang kusina at agad lumapit sa sa sink.

"Shit. What happened--" Hindi natuloy ang sasabihin nito dahil sumuka ko dahil parang may bumabara sa sikmura ko at lalamunan na gustong lumabas.

Suka lang ako ng suka pero laway lang naman ang lumalabas kahit sumasakit na ng panga ko.

"Mara, a-are you oka--shit."

Nang matapos ay hinabol ko ang hininga ko at agad hinilamos ang mukha.

"A-ang sakit ng tiyan ko. Pero okay lang ako. Normal lang naman to, diba?" Hinihingal kong tanong.

Tumango naman ito at ngumiti.
"May sasabihin ka diba? What is it?"

Tunawa naman ako at hinampas siya sa braso. Hindi ko siya sinagot.

"Tell me, Ramos. Are you agreeing now to be my wife?" May galak sa boses nito.

Ngumiti ako at yumakap saa bewang niya na ikinatigil niya.

Pati ako ay nagtaka rin pero ito ang gusto ng katawan ko, para kasi akong hinihigop ng katawan niya palapit sa kaniya. At yung amoy niya nakakaadik.

Ramdam ko ang panginginig ng isa.
"W-whoa. Is this a yes?"

Tumango ako at humiwalay sa yakap niya dahil nakaramdam na ako ng kahihiyan.

Walang hiya ka talaga, Mara.

"A-ahm, sorry, na carried away lang ako." Nahihiya kong sabi sa kaniya. Pero ang hudyo tinawanan lang ako at pinisil ang ilong ko na ikinatigil ko.

S-shock.

"You can do that anytime. I don't mind. Asawa na kita e." May pagmamalaki sa boses ko na ikinaawang ng bibig ko.

"Hey! Hindi pa ako pumapayag!" Sigaw ko dito. Nagtaka naman siya at ngumisi.

"Then what that hug means?" Nakangisi niyang tanong.

Napipilan ako. Oo nga no? Bakit ko ba siya niyakap!?

Kahit kailan talaga, Amara. Pahamak ka!

"A-ano.." Ano!? Ano, Mara!? Tsk!

Mas lumapad ang ngisi nito.
"Ano?"

"Ano..."

"Ano? Tell me, Mara. Bakit mo ako niyakap? Is that mean your yes?"

Shit! Shit ka talaga, Mara! Ayan! Panindigan mo ang kalandian mo!

"Oo na!" Sigaw ko sa isip ko pero saglit akong natigilan nang hindi ko yun sa isip sinagot.

Shit! Kalamanse!

Bakit ko ba sinigaw yun? Dapat sa isip ko yun e!

"Oo na? So you're my wife now?" Maliwanag pa sa araw ang mukha ni Liam.

Umiwas ako ng tingin at nilampasan siya. Pero may pumigil na kamay sa braso ko.

"Answer me, Mara. I want you to said that. Please."

Namula ang mukha ko dahil sa kagagahan na ginawa. Wala na talagang atrasan to.

Gusto ko naman siya kaya okay lang na payagan ang gusto niya. Pero parang may pumipigil sakin.

Ano nalang ang magiging reaksyon ng mga employees sa kompanya? Shit talaga.

Huhu, ang hirap.

Gusto kong maiyak hindi sa saya. Kundi sa sa hiya.

"Amara."

Humarap ako kay Liam at pilit na ngumiti. Pinagsiklop ko pa ang kamay ko na pinagpapawisan at nanginginig. Huhu.

"Yes, Mr. Alister. I am your wife now."



Itutuloy...









ONSS1: One Night Stand With My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon