Simula
Piniga ko ang damit mula sa batsa. Kumuha ako ng hanger sa ibabaw ng lamesang pinagpatungan ko nito at isinampay ang damit.
"Clarence naman! Dapat ikaw na ang naglalaba ng damit mo at binata ka na," sermon ko sa kanya na nakaupo lamang sa wooden bench na naasa harap ng lamesa. Minsan kasi'y dito kami kumakaing mag anak sa labas ng bahay.
"Ate, andiyan ka naman eh! Hindi kaya ako marunong," angal niya. "Wag ka maingay 'te matatalo na 'ko sa laro."
Napailing na lamang ako sa kanya. Usong uso rito sa amin ang Mobile Legends. Halos lahat yata ng madaanan kong bata sa labas, imbes na naglalaro ng taya tayaan, tumbang preso o tagu taguan ay puro nakacellphone at nagmo-mobile legends.
"Nagpaload ka nanaman kay ate Gina ano?" suspetya ko. "Hindi mo na lang ipunin ang pera mo. Tapos kapag may kailangan ka sa school, hihingi ka nanaman kanila mama. Sasabihin mo naubusan ka, eh saan mo naman ginagasta? Sa load lang para maglaro! Buti sana kung pang research para sa school."
Tumigil ako nang sandali upang isampay ang kasunod na damit.
"Tandaan mo," yumuko ako sa may batsa at tumayo uli. "Hindi na tulad noon ang estado ng buhay natin."
At mukhang walang pakialam sa sinasabi ko si Clarence dahil siyang tuloy niya pa rin ng pagpindot sa kanyang cellphone.
"Ate," sagot niya matapos ang ilang minuto. "Hindi naman talaga dapat ako ang naglalaba eh. Trabaho niyong mga babae 'yan. "
"Uy!" agad kong pigil sa kanya. "Ang gawain sa bahay, dapat alam gawin ng lahat. Dapat talagang natututunan ng kahit sinong kasarian. Hindi niyo kami mga serbedora! Marunong dapat kayong kumilos para sa sarili."
Dumaan ang iritasyon sa kanyang ekspresyon. Pabagsak niyang pinatay ang kanyang cellphone at nag angat ng tingin sa akin.
"Alam mo ate, 'yang pagbubunganga mo sa akin. Bakit hindi mo magamit sa school? O sa ibang tao? Nahihiya na ako sa school dahil sa tuwing may lalapit sa akin, itatanong kung ate ko raw ba yung ninenerbyos lagi tuwing magsspech o report. Utal utal pa! Tapos sumasakit ang dibdib. Drama queen ka na nga ng school eh!"
I chewed the inside of my cheek. I can't comment on that.
Si Clarence ay second year college na, habang ako ay nakatapos na. Dalawang taon din kaming magkasama sa unibersidad kaya madalas siyang makatanggap ng mga ganoong tanong.
"Paano ka magtiteacher niyan? Nagtataka nga ako kung paano mo nairaos 'yang education eh," dugtong niya sabay umiling at tumayo na mula sa mahabang upuan. "Magbbootcamp lang kami roon sa may tindahan."
Bumuga ako ng hangin nang makalayo siya. Sanay na ako sa mga sinasabi niya kaya hindi na ako gaanong naiinsulto.
"Hay!" itinapon ko ang tubig na pinaglabahan at nilinis ang batsa.
"A-ang...n-ng... k-kap," putol putol na tunog mula sa aking cellphone.
"Ay!" nagmadali akong abutin ang cellphone sa lamesa. Nakalimutan kong magkatawagan nga pala kami ng best friend ko na si Thelma. "Sandali lang ah. Mahina signal ko."
Tinakbo ko ang papunta sa terrace ng bahay namin. Umakyat ako rito at itinaas ang aking cellphone para humanap ng magandang signal.
"Ano nga uli yung sinasabi mo, Thelma?" tanong ko. Yun din naman ang dahilan kung bakit siya tumawag. May sasabihin daw siya.
"Hoy babaita! Wala ka bang naaalala?" aniya.
"Huh? Anong meron? Sa June pa naman ang birthday mo ah. Eh magma-March pa lang ngayon," sagot ko.
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...