Silence 22: Justice

87 11 0
                                    

Silence Twenty Two

Humila ng silya si tita Claire at ipinwesto yon, isang metro ng layo mula sa sofa sa salas. She dragged Andoy and made him sit there. Nagpaunahan naman si Florence, Nicholas at tita Claire na umupo sa medyo mahabang sofa. Kasya ang apat na tao roon.

Nagkatinginan kami ni Noah dahil isa na lang ang bakanteng pwesto dahil okupado na ng tatlo ang sofa.

"I'll stand," alok niya sa akin sa bakanteng upuan.

Ngumiwi si tita Claire at hinila ang kamay ni Noah upang paupuin.

"Nagkahiyaan pa kayong dalawa! Umupo ka na lang anak at kandungin mo na lang ang nobya mo. Mapapatagal lang ito at magpapasa pasahan lang kayo kung sino ang uupo."

Dahil si tita Claire mismo ang nagpaupo kay Noah ay hindi niya na sinubukang tumayo pa dahil wala nang magagawa. He looked at me apologetically. Ayos lang naman sa akin at boyfriend ko naman siya.

At isa pa'y gusto ko na rin mapadali ito upang makausap ko na si Andoy.

Dahan dahan akong umupo sa hita ni Noah. Pinagdikit niya ang kanyang mga tuhod upang mas ma maupuan ako. He pulled me closer to him. Umupo siya nang tuwid upang makita pa rin si Andoy habang kinakausap.

"M-mukhang hindi niya kami seseryosohin kung ganito ang posisyon namin," I voiced out my conern to tita Claire.

Agad na natunugan ni Andoy na siya ang tinutukoy ko.

"A-ah ayos lang! Sasagutin ko pa rin ang mga tanong niyo k-kahit na ganyan ang inyong ayos," napakamot siya sa kanyang ulo

"Interesado ka Nicholas ah! Akala ko magkukulong ka na sa kwarto. Chismoso ka rin pala," sinubukan ni Florence na hinaan ang boses ngunit narinig pa rin namin.

Piningot ni tita Claire ang kanyang tenga.

"Magseryoso na kayong dalawa at importante itong pag uusapan," malamig na sambit ni tita.

Nawalan ako ng emosyon nang pagtuunan ko na ng pansin si Andoy. Nasa harap ko ang isa sa mga nanakit sa akin noon. Isa sa mga alaala ng madilim na nakaraan.

"Bakit ka humihingi ng tawad?" I flatly spoke. "Pampalinis konsensya? Buti kayo pwedeng humanap ng pampalubag loob. Buti kayo pwedeng makalaya't maging payapa. Ako? Sa ating lahat, ako lang ang mag iisang bibitbit ng alaalang iyon habangbuhay."

Tumungo si Andoy at hindi nakasagot. Naramdaman ko ang inis at galit na unti unting namumuo sa sistema ko.

"Bakit hindi ka makasagot?" kalmado ang aking boses ngunit naggigiit ang ngipin ko upang pigilan ang sarili.

Noah squeezed my hand. Walang kahit sinong nanghihimasok dahil alam ng lahat na kailangan ko ito. Gusto kong ako mismo ang makapagtanong.

I exhaled heavily.

"Bakit?" ulit ko ngunit mas madiin.

Pinaglaruan lamang niya ang kanyang kamay. Nanginginig ang labi niya at nagpapaunahan nang tumulo ang kanyang luha. Mas nagliyab ang sistema ko.

Marahas akong pumiglas kay Noah at tumayo.

"Ano?! Wag kang umiyak diyan at nagtatanong pa ako!" sumabog na ako sa galit.

Hinapit ni Noah ang aking bewang.

"Baby," bulong niya sa akin ngunit hindi ko pinansin.

"Akala ko ba'y sasagutin mo ang mga tanong ko? Sumagot ka!" bulyaw ko kay sa lalaking nakaupo sa silya, punong puno ng pagsisisi ang mata.

Wala akong pakialam kung nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Kahit pa anong lalim ng pagsisisi niya ay hindi pa rin makatarungan ang ginawa niya. Hindi yon aksidente. Boluntaryo niyang ginawa yon para lang mapasweldo ng amo niya. Naging ignorante siya. He would do everything even at the expense of his morals! Hindi manlang siya naawa sa batang ako.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon