Silence Fifteen
"Ang daya niyo, kasama niyo pala si maam kahapon!" salubong sa akin ng umaga habang pumapasok ako sa silid aralan.
Nang makita ko sila Lauren ay awtomatiko silang napangiti at kumaway sa akin na para bang malalapit kaming magkakaibigan.
"Good morning ma'am!" dinig kong bati nila nang ipatong ko ang aking bag sa teacher's table.
Ngumiti ako pabalik at bumati. Inilabas ko sa supot na bitbit ko ang kape na binili ko sa seven eleven. Hindi na ako nakapag almusal dahil wala akong gana kanina kaya magkakape na lang muna ako at mamayang break time na lang babawi ng kain.
"Ma'am diba wala na yung last two subs dahil maghahalf day kami? Paano po sa presentation namin sa English?"
Binalikan ko sa aking memorya kung pang ilang subject ngayong araw ang English. Panlima itong subject kaya hindi na aabot sa schedule nila.
"Sa Monday na lang natin ituloy. Basta naman ay alam niyo na ang gagawin, kaya niyo nang magperform ng diretso sa Monday," kumunot ang aking noo dahil sa higpit ng takip ng bote ng kopiko.
I grunted as I kept forcing it to open but it just won't. Baka masyado lang akong lambutin kaya hindi ko mabuksan.
"Ako na ma'am," alok ni Vincent.
At dahil kanina pa akong kapeng kape ay walang hiya ko nang ipinaubaya kay Vincent ang pagbubukas ng bote.
Medyo nahirapan din siyang pihitin ito sa una ngunit kalaunan ay nawala na ang tensyon sa kanyang ekspresyon, hudyat na nabuksan na ito. Ibinalik niya ito sa akin.
"Thank you!" I beamed and happily drank my coffee to atleast fill my stomach.
Nahagip ng aking ilong ang isang pamilyar na amoy.
Dumaan si Ralph sa harap ng aking table na may dala dalang supot ng mainit na pandesal. Tumigil siya sa paglalakad at kumuha ng isang pandesal at inabot sa akin.
"Masarap yan sa kape ma'am," nanatiling nakaextend ang kamay niya dahil hindi ko pa kinukuha sa kanya ang pandesal.
"Diyan na tayo kumain!" anunsyo ni Lauren.
Tumayo rin sila Gascon, April at Sarah. Nakarinig pa ako ng tunog ng kutsara sa tasa. May bitbit pa na termos at apat na twin pack ng kape si Gascon. Ibinaba ko sa sahig ang aking bag upang may mapagpatungan sila ng bitbit.
"Hilahin niyo yang arm chair," turo ko sa isang bakanteng upuan dahil hindi pa naman kami kompleto rito sa room.
Bitbit nila ang upuan at ipinaikot sa aking teacher's table.
"Ibabalik niyo ng ayos yan ha, kalilinis lang namin kahapon," paalala ni Lauren habang inaayos ang likod ng kanyang palda upang hindi malukot sa kanyang pag upo.
"Termos nga pre paabot!" magkabilang dulo si Vincent at Gascon kaya hindi kaagad maaabot ni Vincent ang termos.
Ipinwesto ni Gascon ang termos sa gitna ng mesa upang madaling makagamit ang lahat ng mainit na tubig.
"Ang sarap talaga ng pandesal sa bakery niyo, Ralph! Kahit araw arawin ko 'to eh!" ani April.
Kinagatan ko rin ang pandesal at masarap nga. May tamang tamis ito at malambot. Siksik sa tinapay at hindi hangin lang.
"Araw araw ba kayong ganyan?" natatawa kong tanong dahil hindi ako makapaniwala na nagdadala sila mismo ng mga tasa, kape at termos sa loob ng classroom.
Hinati ni Sarah ang tinapay at sinawsaw ito sa kape at tumango habang kinakagatan ang kalahating nakasahod sa mug.
"Opo ma'am. Oh diba pati kayo di kami napansin," halakhak ni Vincent. "Gawain na namin 'to nung grade eight pa lang ma'am."
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...