Silence Ten
My cheeks blushed profusely at what sir Noah said.
Lumapit ako ng kaunti kay Noah upang makabulong ako sa mababang tono. "May mga bata, sir Noah. This might be an issue."
"I did not imply anything in what I said. Ikaw lang ang nagbibigay ng ibig sabihin. Do you want me to inform them that you're secretly violating your own rules right now?" bulong niya pabalik sa akin habang nakataas ng kilay.
"Eh ikaw din naman ah," balik ko.
"Am I a part of your section? Should I call you ma'am? Will you teach me, then?" mas inilapit niya ang kanyang mukha. Halos mahilo ako dahil sa mumunting distansya namin.
I glared at him, while he gave me a teasing expression while shrugging his shoulder.
"May sariling mundo oh!" nagsilayan ang mga ngising aso ng aking mga studyante.
"Ang nanalo para sa ikalawang parangal ng sabayang pagbigkas..."
Naghawak kamay ang nine Bonifacio nang dumating na ang oras ng pag aannounce ng mga parangal. Nag third place ang section nila Nicholas. Ngayon nama'y second at first place na lang ang natitira.
"Nine Mabini na second place," deklara ni Ralph.
"Bakit ba ibang pangkat ang bukambibig mo?" anang kanyang mga kaklase.
"Eh syempre sa atin na ang unang parangal, sigurado ako! Pang kampyon kaya ang performance natin!" Ralph confidently answers.
"Oh bayad dos!" pansin nila sa paggamit ni Ralph ng "performance".
"Sige ba! Magbabyad talaga ako ng dos, wag lang maging luto itong kompetisyon. Sinasabi ko talaga sa inyo," pasugod na sabi Ralph na parang handa siyang makipag away.
"Kalma pre! Ang puso mo," halakhak ni Gascon.
"Pangkat Bonifacio!" masiglang anunsyo ni ma'am Marcie. "At isang pagbati sa aking advisory, nine Mabini, dahil kayo ang ika unang parangal!"
Nagtalunan ang nine Mabini habang ang aking advisory, sa halip na magdiwang sa second place ay nanahimik.
"T*nginang 'yan ah!" reklamo ni Lauren. "Ma'am bakit ganon?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni sir Noah. Bakas sa kanyang mukha na maging siya ay nagulat sa naging resulta.
"Hindi ba 'yan napagpalit lang? Parang sa miss universe 2015 ganon?" naguguluhan kong tanong kay Noah.
Umiling si Noah. "I don't know. Pupuntahan ko lang si Frank."
Mabilis siyang nakapunta sa kung nasaan si sir Frank dahil napakalaki ng mga hakbang na kanyang ginawa.
"May dayaan yan," pagtabi sa akin ni Thelma habang pinanlilisikan ng mata sila ma'am Sydney. "Magkakaibigan yang tatlo ni ma'am Marcie at ma'am Lyn eh. Ang b*bo rin eh, bakit naman sila pa ang napiling maghurado?"
Tinampal ko si Thelma. "Studyante mo rin ang Mabini."
Nanood talaga si Thelma ng sabayang pagbigkas dahil Filipino subject siya ng grade nine.
Maligayang pumapalakpak si ma'am Sydney habang yumayakap sa kanya ang mga studyante sa nine Bonifacio. Sunod namang pinasalamatan ng mga studyante ay si ma'am Lyn na isa pang hurado bukod kay sir Frank at ma'am Sydney.
Nagyayabang na lumapit ang nine Mabini sa section namin.
"Akala namin section niyo maeexempted sa exam sa Filipino eh. Pero nice one pare, better luck next time. Maganda rin naman ang inyo," isang studyanteng lalaki mula sa nine Mabini, ngunit halata mo naman na nagmamataas. Madalas pa namang nakakaaway ng boys sa section ko.
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...