Silence Twelve
"Patahimikin niyo yan! May bisita!" says a faint voice. My eyes can't focus on anything. Even my ears can't catch what someone is saying.
My breath hitched when a hand forcedfully pulled me up from lying on the floor to a sitting position.
Bago ko pa maiawang ang aking bibig ay tinakpan na ang ito ng isang itim na tape. Sa panghihina ko'y hindi na ako lumaban. Nasanay na ako sa tatlong linggong ganitong paulit ulit na parang natural na ito sa akin.
Wala akong ibang tanawin kundi ang isang malaking silid na gawa sa bato. Parang isang basement. Wala silang ibang inilagay rito sa silid maliban sa isang upuan. Binibilang ko na lamang ang mga parisukat na batong magkakapatong upang makabuo ng pader, maging ang mga araw, upang magkaroon ng iisipin.
"Miguel..." called a low and toneless voice. "H'wag mong pagsayangan ng panahon yan at sigurado akong mananahimik yan. Umakyat ka na roon kay papa at kanina ka pang hinahanap."
"Baka ho kase biglang sumigaw, sir..." pagrarason ng lalaking mas hinigpitan pa ang pagkakagapos ng kamay ko.
Hindi ko nakikita ang mga hitsura nila dahil nakapikit ang aking mata.
"Ako ang magbabantay, puntahan mo ang papa," anang lalaking kararating lamang.
Ilang sandaling natahimik. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na pinanghihigpitan ng ng hawak ang aking magkabilang pisngi.
"Pag may marinig lang kami mula rito. Babarilin-"
Isang putok ng baril ang nagpatigil kay Miguel.
"Ano hong ginagawa niyo sir?! Delikado ho ang baril!" agap ni Migue.
Sumandal ako sa pader upang kumuha ng suporta. Pakiramdam ko'y babagsak na ako kung mananatili pa akong nakaupo.
"Sinusubukan ko lang kung magaling kayong magturo. Hindi pala. Sige na't umalis ka na. Hindi ko pakikialaman ito," tugon ng lalaking tinawag na sir.
The more that I heard of him, mas nagiging pamilyar ang boses nito sa aking pandinig. Ngumiti ako ng tipid nang mapagtanto kung sino ang naririto.
Nang marinig ko ang kalampag ng hagdan ay hudyat itong nakaalis na si Miguel.
Kahit na mabigat ang talukap ng aking mga mata'y pinilit ko itong buksan upang silayan si sir. Iyon lamang ang naririnig kong tawag sa kanya kadalasan.
"S-sir..."
"Are you alright?" hinawakan niya ang aking mukha, ngunit salungat kay Miguel ay mas magaan at marahan ang pagkakahawak niya.
Napatulala lamang ako sa kanya.
"I'm gonna get you out of this place," mahina niyang sambit na para bang isa itong sikreto sa pagitan namin.
"T-tatakas tayong dalawa, s-sir?" kuryoso't nagagalak kong sagot.
Mahina siyang umiling. Sinuklay niya paalis sa aking mukha ang buhok ko. Ginawa niya ito sa paraan kung paano niya rin tratuhin ang isang babasaging bagay.
"Hindi ako sasama. Ikaw lang ang tatakas dito. At kahit anong mangyari, hindi ka lilingon..."
Kumurap kurap lamang ako habang pinagmamasdan siyang magbigay ng mga direksyon sa akin. Sa dami ng kanyang sinabi ay hindi ko napakinggan dahil iniisip ko siya.
Umatras ako ng kaunti dahil sa ideya na maaari siyang mapahamak sa gusto niyang gawin.
"M-magagalit sa atin..." lumunok ako. "S-sasaktan nila ako...a-at...a-at ikaw...s-sir. Ayoko."
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...