Silence 6: Nothing More

82 10 1
                                    

Silence Six

I giggled when Ming jumped up my desk and blocked my view of my laptop.

"Ming! Sandali lang," I stretched my neck upward to see the math tutorial. Hindi ko strength ang math kaya ito ang pinaka pinag aaralan ko para lang maitutor nang maayos si Neil.

The cat put his face on my cheek, stealing my attention.

Hinaplos ko ang katawan nito. "Mamaya na, okay? Pagkatapos ko, maglalaro tayo sa labas."

Dahil hindi niya naman ako naiintindihan ay nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin. Sumampa siya sa aking kandungan. Inilagay niya ang munting kamay sa magkabilang balikat ko. Nagbuntong hininga ako at humalik sa kanyang ulo. Pumikit ang pusa, habang ngumingiti naman ako.

I leaned on the backrest of my chair at the same time that he snuggled on my chest.

"Hmm... naglalambing ka ngayon ha," patuya kong komento.

Nagkatinginan kami ni Ming. Nagsalubong ang aking kilay nang may maramdamang likido sa aking hita pababa sa binti.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ito. Napapikit ako nang mariin nang malanghap ang pamilyar na amoy nito.

Binitbit ko ang pusa upang ilapag sa sahig.

"Ming naman!" pinagparte ko ang aking binti upang tignan ang munting baha ng ihi niya.

I eyed him scandalously, he just meowed back. I don't know how to interpret that. Is he apologetic, mocking me or doesn't care?

I rushed inside the bathroom to remove my pants and undergarment to wash it.

Then inside the bathroom, I stood still and beamed like a fool. Not even a month that he's with me and he already made me feel that he's always there.

I have a lot of important people around me. Some have left , and some have stayed. But neither of them were truly present. I feel like they are just existing in my life, not with me in my life. And so, even with the ridiculous things that Ming's ever done to me. He's my family. My one true companion in life.

Feeling that the pressure from work is getting to me, I decided to go on a walk with my cat.

Masayang maglakad lakad sa labas ng apartment dahil pakiramdam mo'y nasa bukid ka sa halip na sa syudad. Maraming mga puno at maaliwalas ang hangin. Medyo liblib ang lugar na ito kaya ibang iba siya sa karamihan sa parte ng Dasmarinas na puro gusali at sasakyan.

Habang humahanga ako sa paligid, si Ming ay umastang parang normal lamang sa kanya ang lahat ng ito. Pamilyar na siya sa mga pangitain na ito dahil matagal din siyang nagpagala gala rito at walang permanenteng tirahan.

Pinaningkitan ko ng mata ang isang pamilyar na pigurang papalapit sa amin. Medyo may kalayuan din ang pinanggagalingan niya kaya hindi klaro ang itsura.

In black jogger pants and slim fit crew neck military green shirt, sir Noah released breaths as he ran. His shirt looked like it's newly dipped in water. He's covered in sweat, like the first time he knocked on my door to remind me about our "appointment".

He slowed to a halt when he saw me. He pulled out his earphones and put it over his shoulder.

"You walking the cat?" hingal niyang tanong.

Obviously!

"Uh... oo," tipid kong sagot.

To break the deafening silence and get myself out of the dead air, I gave him a small smile and started walking forward.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon