Silence 9: Binibini

79 7 0
                                    

Silence Nine

Simula noong araw na iyo'y hindi ko halos pansinin si Noah. Hindi maiiwasan na magkita kami dahil sumasabay pa rin naman ako kila sir Allen. Hindi naman maaaring paalisin nila si Noah dahil lang sa away naming dalawa.

Did Noah completely forget about my ten thousand peso debt? He expected me to pay him by the end of June, but it's now August and he still did not give a follow up. Or is he testing whether I'll be a good payer? Or is this one of his charity works again?

Pinagsama sama ko ang mga naipon ko mula sa pagtututor pati na rin ang ibinawas ko sa sweldo ko upang mabayaran si Noah.

Nang makalabas ako ay humawak ako sa railings ng corridor habang tinitignan ang grounds kung saan nakatayo ang bahay ng mga pusa ko. They loved their home very much. May mga pagkakataon nga lang na sa tuwing nakikita nila ako'y gusto pa rin nilang sumama sa aking apartment.

Nakita ko ang pagtingala ni Ming kaya naman nginitian ko siya't kinawayan. Tumitig lamang ito sa akin at nagngiyaw.

I made my way straight in front of Noah's apartment. Itinaas ko ang kamao ko ngunit nabitin sa ere nang maalala na magkaaway kaming dalawa.

I shut my eyes firmly and sighed harshly. The click of the door knob made me open my eyes instantly. A pair of curious eyes and joint brows greeted me.

"Ma'am Ysabelle," tawag ni Nicholas na halos patanong.

I cleared my throat.

"Hi... uh... buti na lang andito ka. Ito oh," kinuha ko ang kaliwang kamay niya at ipinatong doon ang isang sobre na pinaglagyan ko ng sampung libo. "Bayad ko kamo yan sa utang mo sa kuya mo."

Nagmamadali akong papabalik ngunit pinigilan ako ni Nicholas.

"S-sandali lang ma'am, wag po kayong magpahawak sa akin ng pera ni kuya," natatarantang habol ni Nicholas sabay balik sa akin ng sobre.

"Kahit iwan mo na lang sa kwarto niya," sagot ko at abot muli sa kanya nito.

"A-ah basta ma'am. Mas maganda kung kayo na lang ang mag abot!" ipinasa niya muli sa akin ang sobre.

We kept passing and returning the money like we're playing catch.

"Ibabagsak kita sa subject ko," pagbabanta ko. I wasn't serious.

"Isusumbong ko kayo kay kuya kung ganon. He will fire you if that's your reason," pagbabalik niya ng banta.

Aba! Bastos 'tong batang ito ah. I didn't know he had it in him.

"At paano niya naman ako sisisantehin eh department head lang siya?" kunot noo kong tanong sa kanya.

He snorted. "Member ka ng faculty, hindi mo kilala ang owners?" humalakhak siya.

Tumuro ako sa kanya. "H-hoy! H'wag mo akong tawanan, Mr Vasquez! Teacher mo pa rin ako kaya gumalang ka!"

"Kapatid ako ng may ari ng eskwelang pinagtatrabahuhan niyo," he shot back.

Kumurap kurap ako't mas lalong naguluhan.

Kapatid ng may ari? Ng Southville?

That means Noah is the one who hired me!

Should I be worried that he might've done it out of pity? Or should I be relieved that he found me skillful enough to be given consideration?

Habang nakat*nga ako roon ay ginamit itong pagkakataon ni Nicholas para ipatong sa aking kamay ang pera at tumakbo pabalik sa kanilang apartment.

I shook away my thoughts and tried to catch up with Nicholas, but the door is already closed.

Hinampas ko ang pinto. "Nicholas! Buksan mo ito!"

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon