Silence Sixteen
My mama's body tensed. Dudugo na siguro ang kanyang palad sa sobrang diin ng kanyang mga kuko roon. She trembled as if she was restraining herself for so long, she has finally said it.
"Aida!" lumagabog ang pinto nang buksan ni papa dahil sa pagmamadaling makapasok at puntahan kami.
I gripped the sink tightly. I was still staring wide eyed at both of my parents.
"Anong pinagsasasabi mo sa anak mo?" tumaas ang boses ni papa.
Habang pinakikinggan ko ang sinasabi niya, humahanap ako ng senyales sa boses ni papa na maging siya'y nag iisip na kalokohan lamang ang pinaririnig sa akin ni mama. Ngunit walang bakas ng ganoon. Mas nangibabaw sa tono niya ang pagkabisto.
My lips quivered as I tried uttering a reply.
Kidnap?
"Oo, Philip! At kung tatanggapin mo yang pagppupulitika na yan, mangyayari na naman! Masyado kang nagpapadala sa pambobola ng iba, at ikaw naman bigay na bigay! Isipin mo ang anak mo!" turo sa akin ni mama. Halos hingalin siya sa tindi ng damdamin.
Kidnap?
I feel like I've strained my head, trying to remember whether that certain event happened in my life. Para sa akin wala naman gaanong naganap sa pagkabata ko. Kaya ang marinig mula sa kanila ang mga ito ay hindi ko maunawaan.
Nanlabo ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadya.
Noah...
is my kidnapper?
How could he have done that? He's still young.
But then he's four years older than me. He definitely could've had the upper hand if it indeed happened.
"S-si Noah..." I swallowed and looked up at my parents. "...a-ang gumawa noon?"
The words tasted bitter in my mouth. At doon ko lang napagtanto that I trust Noah so much. Unfortunately more than anyone, even my family. I trust him so much that it hurts. I trust him so much that the thought of this being true is killing me.
Mama's lips set in a thin line.
"Siya ang... nagbalik sa'yo... rito..."
Pinunasan ko ang aking pisngi. Nablangko na ang utak ko at hindi ko na alam ang isasagot o sunod na tatanungin.
"Matapos ang tatlong linggo," dugtong ni mama ng may diin. "Doon ka lamang niyang napagdesisyunang ibalik."
I felt a glint of hope.
"Kung siya ang nagbalik sa akin edi... hindi niya kasalanan," I was saying this to them, but it was more like I'm saying it to myself.
"Hindi niya kasalanan?!" pumiyok si mama dahil sa galit.
"Aida!" pigil sa kanya ni papa. Yakap niya pa si mama para lang hindi siya matumba sa kanyang pwesto.
"Hindi niya kasalanan, Ysabelle?" si mama. Napasapo siya sa kanyang mukha at pumikit ng mariin. "Lintik na pag ibig yan! Handa kang magpakabulag?"
It all became a blur. Dapat ko bang sisihin si Noah? Dapat ko ba siyang kamuhian?
"Pero siya po ang nag-"
"Narinig mo ba ang sinasabi ko, Ysabelle?! Tatlong linggo! Sa tatlong linggo na yon hindi kita nakita. Habang siya sa tatlong linggo nakikita niya kung anong ginagawa sa'yo ng kanyang ama! Dyesisiyete anyos na na siya at siguradong nakakapag isip na! Hindi manlang ba niya naisip na may nanay ka rito na alalang alala para sa'yo? Bakit ang tagal bago ka nakabalik sa akin? Kung kinaya ka niyang ibalik sa amin ibig sabihin kaya niyang gawin kahit mas maaga!"
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...