Silence Eighteen
I took a breath in and out. The weight has been building up for the past minute. It's like bricks that keep stacking up on my chest.
"Kompleto na ba,bus number three? Pakicheck ang mga kaklase and mga katabi at baka maiwanan sila," anang tour guide habang ako ay lumakad mula unahan ng bus hanggang sa dulo upang mag head count sa mga studyante ko.
Sa totoo lang ay hindi na ako makapagbilang ng tama dahil mas naaagaw ng nararamdaman ko sa dibdib ang atensyon ko.
"Ma'am may naiwanan pa po ba?" tanong sa akin ng tour guide.
Tumuro ako sa isang bakanteng upuan sa dulo.
"Nasaan si Gesselle?" tanong ko sa katabi niyang si Jessa.
Tinanggal ni Jessa ang nakasalpak niyang earphones.
"Ma'am nasa cr po. Call of nature daw," deklara niya na siyang tinawanan naman ng mga kaklase na nakaupo malapit sa kanila.
Tumango ako at nilingon ang tour guide.
"A-ate uh...pahintay na lang po yung studyante ko. Gumamit lang daw ng cr."
Sumang ayon naman ang tour guide at hinayaan kaming magsettle sa aming seats. Nakadalawang travel destinations na kami ngayong araw para sa educational tour.
Umupo ako sa tabi ni sir Esteban. Magkahati kase ang aming section sa isang bus. At mabuti na rin yon dahil isa rin siya sa naging kaibigan ko sa St Jude.
Nakatapos ako ng isang school year sa St Jude noong nag apply ako. Ngayon ang ikalawa ko.
Napailag ako nang buksan niya ang baong tsitsirya dahil muntik na itong magtalsikan sa pwesto namin .
"Baka langgamin tayo dito," komento ko sabay pulot ng iilang mga nahulog. Nang mailagay ko sa plastic ay nagpeace sign siya sa akin.
"Sorry na. Bakit ba naman kase laging nangyayari yon?" kamot niya sa ulo.
Medyo may pagkaclumsy kase si sir Esteban. Minsan pa nga ay inaasar kami ng faculty na bagay daw kami. Isang socially awkward at isang clumsy. Ngunit alam ko namang biru biruan lang 'yon. Dahil salungat sa faculty ng Southville, mas welcoming ang mga guro sa St Jude. Kahit madalas akong tahimik pag magkakasama kami ay inaaya o kaya naman isasama pa rin nila ako sa grupo.
"Wag mo na kasing buksan sa gitna," tumaas ako ng kaunti upang maabot ang aircon at itapat sa kanya dahil nanlalamig na ang kamay ko.
"Sa'yo na ma'am, nilalamig ako!"
Nagkibit balikat ako.
"Nilalamig din ako e. Saka dapat lang yan sa'yo dahil ayaw mong ibigay sa akin yung seat sa window," nagtaas ako ng kilay, hinahamon kung tututol pa siya.
Bumuntong hininga siya't nagtakip ng kanyang jacket.
Kay sir Esteban ako pinakakomportable makipag usap o makipagbiruan. Pakiramdam ko kase ay nakakarelate kami sa isa't isa. Kahit na ayos namang kasama ang faculty ay parang hindi pa rin naman dama na kabilang kami sa kanila.
At minsan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hati sa pagitan namin. Mga guro sila na nakapasok dahil sa kakayahan nila. Habang ako,kinailangan pang dumaan sa koneksyon para lang magkaroon ng hanapbuhay. Araw araw, sa tuwing umuuwi ako sa bahay, pinag iisipan ko kung deserve ko ba ang trabahong ito.
Kinulbit ako ni Sir.
"Hmm..." turo niya sa akin. "Nag iisip ka na naman ano?"
Nag alok siya ng tsitsiryang kinakain niya na agad kong tinanggihan. Alam ko namang maligaya siyang tumanggi ako .
BINABASA MO ANG
A Silence In The Chaos
RomanceYsabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She was bound to a promise with her best friend. That they'll both teach at the same school someday. So she leaves her home, Batangas, to be an...