Silence 3: Cat

83 7 7
                                    

Silence Three

Tulala ako habang tumatawid kaming lima. I thought the owner of the apartment was an older woman. Ilang buwan din akong sa kanya nagbabayad.

Umupo kami sa mahabang kahoy na bench. Magkatabi kami ni Thelma, habang nasa tapat namin, magkakatabi si sir Allen, sir Noah at sir Frank. Nasa lugawan kami sa tapat ng Southville. Dahil wala pang sweldo ay dito muna kami sa mumurahin makakainan. Fifteen pesos lang ang presyo ng plain lugaw, twenty five pesos naman kapag may kasamang itlog.

"Bili muna ako ng milktea sa coffee and beyond para may drinks ako," paalam ni sir Allen.

"May softdrinks naman sila rito, yon na lang inumin mo. Akala ko ba nagtitipid ka. Eh magkano rin ang milk tea," komento ni sir Frank.

"Baka nakakalimutan mo na owners din ng Southville and mayari niyang coffee and beyond. Dapat sinusuportahan natin ang negosyo nila," pagdadahilan ni sir Allen. "At saka hindi naman ako mahilig sa soft drinks. Milktea na lang."

"Ako rin sir! Pasuyo naman," nag abot ng pera si Thelma kay sir Allen.

"Ano flavor sa'yo?" tanong ni Sir Allen habang tinatanggap ang pera ni Thelma.

"Sige nga ako na nga rin," singit ni sir Frank bago pa makapagsalita si Thelma.

Hindi tinanggap ni sir Allen ang pera ni sir Frank.

"Ano ako, octopus? Maraming kamay? Aba! Hindi ko kayang magbitbit ng tatlo. Sumama ka na lang sa akin!"

Napakamot sa ulo si Thelma. "Sige na nga, sama na lang din ako para patas tayong tatlo. Baka pa kung anong sabihin ni sir Frank."

Nang tumayo sila'y umamba na rin akong tatayo upang samahan sila.

"Oh. Saan ka pupunta, Ysabelle? Bibili ka rin?" kunot ng noo ni Thelma sa akin.

Umiling ako. "Sasamahan ko lang kayo."

"Di na kailangan. Um-order na kayo ni sir Noah ng lugaw natin. Para pagbalik namin, kakain na lang tayo," tugon ni Thelma.

"Saka, iiwan mo si sir dito?" dugtong niya pang parang may ibang ibig sabihin sa kanyang boses.

Inirapan ko na lang siya.

"Siya, ibigay niyo na lang sa akin ang order niyo," pagsuko ko.

Isa isang nagdikta sila sir Frank at Allen pati si Thelma ng kanilang mga order. Nang tumawid sila ay natahimik ako. Ni-recite ko sa aking isip ang mga order nila at pinractice kung paano ko ito sasabihin doon sa nagtitinda.

Good afternoon po- No! Wala yatang bumibili na nagsisimula nang ganon.

Uhm hi! Hindi rin pwede. Magtutunog feeling close ako.

Kung pabili ang sasabihin ko, hindi naman ito tindahan. At kapag pa-order rin naman ang sinabi ko, parang sa fast food chains ko lang naman yata sinasabi yon. Pero ang bastos naman kung didiretso na lang ako basta basta sa order diba? Kailangan ay may paggalang.

Paano ko ba sasabihin ito? At paano ang pagkakasunod sunod ng pagsasabi ko ng oorderin?

Sa sobrang lalim ng inabot ng pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakatayo na pala sa tabi ko si sir Noah.

"Lomi kay Allen, plain lugaw kay Thelma, lugaw with egg at tokwa kay Frank. Tama ba ako?" nagtaas siya ng kilay sa akin.

Kumurap kurap ako sabay tumango.

He nodded.

"What's yours? Ako na lang ang mag oorder," he held out his hand. Dahan dahan kong inabot sa kanya ang pera nila Thelma.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon