Silence 19: Run To Him

103 8 0
                                    

Silence Nineteen

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" namamaos na ang aking boses kakasigaw. "Gusto ko nang umuwi kila mama!"

Namimiss ko na ang matulog sa kama ko. Gusto ko nang pumasok muli sa eskwela at mag aral.

Hindi ko na nagawang manatiling tahimik dahil mababaliw na ako kung magtatagal pa ako ng ilang araw rito na nakaupo, nakagapos, kulang sa kain at tulog.

Kahit na naririnig ko na ang pagmamadali ng mga tao na bumaba rito sa kanilang basement ay patuloy pa rin ako sa paghingi ng saklolo.

"Palabasin niyo ako rito!"

Mayroong humawak nang mahigpit sa aking palapulsuhan.

"Tumahimik ka! Putanginang bata 'to! Mawawalan pa kami ng trabaho dahil sa'yo," isinubsob niya ako sa sahig at nakadapa.

I shrieked in panic. Ano na ngayon nag gagawin nila sa akin?

"Guillermo, ang kahoy, kuhanin mo!" bulyaw ng lalaking nagpadapa sa akin na para akong isang kriminal na hinuli.

Humagulgol ako.

"Wag po, manong! Wag niyo po akong saktan," hindi ako makailing dahil idiniin ng kanyang kamay ang aking ulo sa sahig habang ang tuhod niya ang nakapatong sa katawan ko upang hindi ako makatayo.

Mama. Papa. Ayoko na rito. Nasaan na po ba kayo?

"Parang awa niyo na po. Wag po!" umagos nang tuloy tuloy ang luha ko habang kumakabog ang puso sa aking dibdib.

Kailanman ay hindi ako nakaranas ng pamamalo mula sa magulang. Dahil hindi naman ako lumalabas sa kanilang mga sinasabi.

"Spencer!" I screamed at the top of my lungs, desperate for an ally.

"Magtanda ka. Sinabing wag kang mag iingay. Pasaway ka," sarap na sarap ang boses ng lalaki habang hawak hawak ang kahoy.

Ihinampas niya sa iyon sa likod ng aking hita.

"Aaah!!!!" naghahabol na ako nang paghinga dahil sa hagulgol at pagsigaw.

"Sa susunod, sinturon na ang makakatapat mo," humampas pa uli siya ng isa pa.

Umimpit ako at sinubukang lumuha nang tahimik. I pressed my lips to suppress the deafening screams I wanted to let out.

Nanginginig na ako sa takot at panghihina. Pumikit ako nang mariin habang iniinda ang bigat at kirot dulot ng kahoy.

"Miguel! Naaksidente ang sasakyan nila sir,lumabas ka rito!"

Nabitawan ni Miguel ang kahoy na hawak niya.

"Ano?! Eh ano pang ginagawa niyo riyan?Puntahan niyo na sila sir!" tarantang utos niya sabay nagmamadaling umakyat ng hagdan.

"Teka ang bata!" pigil sa kanya nung kausap niya.

"Hayaan mo na yan! Mas mahalaga sila sir!"

Nagsimula akong umubo. Dinig ko man ang usapan nila ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. I can't focus on anything but the sting.

Umubo ako habang sinusubukang tumayo ngunit bumagsak din kaagad.

"M-mama..." bulong ko nang nanlabo na ang paningin. I blinked, trying to keep myself awake.

Nang imulat ko ang aking mata ay hindi na ang basement ang nakikita ko. May hangin nang humihipan sa aking mukha at buhok. Dinig ko na rin ang ingay mula sa dahon ng puno at ang sunod sunod na busina.

I flinched when I felt something cold on my thigh.

"It's alright. We're just applying ice on your bruises," a voice says. Hinapit niya ang binti ko at inayos kami ng pagkakaupo.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon