Silence 11: Alleged

87 9 0
                                    

Silence Eleven

Tahimik akong sumunod sa kanilang pagbaba mula sa second floor ng apartment. Malamig pa sa oras na ito dahil madaling araw pa lang. Noah would stop or slow down and wait for me.

"Is the bag heavy? I'll carry it for you," aniya sa namamaos pa rin na boses nang makatungtong sa kalsada papunta sa kung saan nakaparada ang sasakyan ng mga sumundo sa kanila

Napakatahimik ng paligid. Tanging ang ihip ng hangin, tinig ng mga kuliglig, at ang yabag ng aming mga sapatos sa kalsada ang nasasagap ng aking pandinig.

Umiling ako sa kanya. "Kaya ko na."

Nang magawi ang mata ko sa nakaparadang sasakyan ay hindi lang isang sasakyan ang napansin ko. Mayroon pang isang itim na chevrolet colorado sa likod ng van.

"Dinala po namin ang sasakyan niyo sir katulad po ng habilin niyo," inabot ng isang driver ang susi ng sasakyan kay Noah.

Noah nodded at them as he clicked on the remote to unlock the chevrolet.

"Bakit kailangan pa ng hiwalay na sasakyan?" I blurted out unthinkingly.

Umangat ang gilid ng kanyang labi ngunit hindi ko mabasa sa ekspresyon niya kung para saan iyon.

"Because I don't need the convenience that my family offers me," he answered.

Binuksan ng driver ang pinto ng van kung saan dire diretsong pumasok si Nicholas na pipikit pikit pa sa sobrang antok. Habang ako naman ay hindi malaman kung sasakay ba o hindi. My eyes switched between Noah's car and their family van. Nakakahiya namang makisakay ako rito ng wala si Noah. Hindi rin naman kami malapit ni Nicholas.

Napansin ni Noah ang pag aalangan ko.

"Sa akin siya sasama. Mauna na kayo, susunod kami," sambit ni Noah na agad namang sinunod ng driver at ng body guard.

Pinagbuksan ako ni Noah ng pinto sa may passenger seat. Dahan dahan naman akong sumakay. Hinintay kong isara niya iyon ngunit hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ng kanyang kamay ang pinto ng sasakyan.

Ibinalik ko rin ang paninitig niya sa akin. Pinagala niya ang kanyang mata sa aking mukha. Napaawang ang aking labi dahil sa sobrang tutok niya sa akin.

"I'll be there, Ysabelle," inabot niya ang takas kong buhok at inilagay ito sa likod ng aking tenga.

Kumunot ang aking noo. "Oo andoon ka naman talaga. Pamilya niyo ang rason kung bakit pinapauwi ako ni mama."

But the comfort that the words gave me was vaguely familiar.

Pinagsalikop ko ang aking mga daliri at idiniin ang dalawang kamay sa isa't isa dahil hindi ako mapakali.

Simula nang makasakay sa driver's seat si Noah ay hindi na muli siya tumingin sa akin. Nahuhuli ko ang pagdiin ng kapit niya sa manibela ng sasakyan. At habang papalapit kami sa pupuntahan ay hindi siya mukhang nagagalak. Para ngang isa pang abala sa kanya ang pag uwi sa kanyang pamilya.

Tila nakakahawa ang nararamdaman ni Noah dahil maging ako ay parang nakaramdam ng pagkabahala habang mas lumalayo ang itinatakbo ng kanyang sasakyan.

I closed my eyes to calm myself down. I don't know why I'm being pessimistic all of a sudden. Pero bakit nga ba naroon sila mayor? Kung magkaibigan sila ng pamilya ko, bakit ngayon ko lang sila nakikita?

Nang naramdaman ko na ang mababatong daan ay alam ko nang narito na kami sa aming compound kaya umahon ako mula sa pagkakasandal sa passenger seat.

Humikab si Noah sa aking tabi. I saw how tired his eyes were.

"G-gusto mo bang-" natigilan ako bigla sa aking sasabihin.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon