Silence 17: Get over

98 7 0
                                    

Silence Seventeen

Mahirap magsimula ng bagong kabanata kapag wala pa sa puso mo ang umalis sa nagdaan. Hilahin ka man nila't pilitin, wala silang magagawa kung doon mo gustong manatili.

Hindi ako kaagad nakausad matapos kong umalis ng Dasma. Instead of trying my hardest to be employed, I lie down and stare out the window or up the ceiling most of the time. Kahit naman kailan ko gustong mag apply ay kaya ko dahil may kaibigan naman si mama na maaaring magpasok sa akin.

At this point, I'm not even driven in life. So whether I can get a job by skill or through connections, I don't care. I've long been demotivated in life. How I made it to this day and age is really beyond explanation.

Hindi rin ako pinatutulog ng mga panaginip ko. Pakiramdam ko, kapag natulog ako at hindi binantayan ang paligid, mabibitibit nila ako sa kung saan.

Pinaglaruan ko ang mga kamay kong nakapatong sa aking tiyan. Gabi na ngayon. Limang araw na akong nakakulong dito sa kwarto. I kind of feel guilty not being able to help around the house ngunit hindi ko talaga mapabangon ang sarili.

I looked to my left where the window is. Hinihipan ng hangin ang aking mga kurtina. It danced gracefully in front of me. My toes curled under the blanket when it felt the coldness of air.

But the strangest feeling that never left me was Noah. Whenever these thoughts would haunt me, I keep looking for Noah, like he can get me out of this, like he can save me.

Nakarinig ako ng pagbaba mula sa hagdan ng basement. Agad akong tumungo sa aking tuhod upang itago ang aking mukha.

Light foot steps approached and I creased my brows together. Karaniwan, yung mga lalaking pumupunta at nagbabantay sa akin ay mabibigat at malalakas ang hakbang.

Out of curiosity, nag angat ako ng tingin sa presensyang iyon. Napasinghap ako at umatras lalo na nang umupo siya sa harap ko. Naksuot kase ito ng black na hoodie kaya hindi ko maaninagang kanyang mukha. Ngunit base sa mga napapanood ko sa telebisyon sa noon sa bahay,kapag ganito ang suot ng isang tao ay may masama siyang balak.

Nang tanggalin niya ang kanyang hood, napakalayo ng itsura niya sa mga nasasabing itsura ng isang masamang loob. Ngunit wala pa rin akong tiwala sa kanya.

Mukhang ilang taon lamang ang tanda niya sa akin. His hair was styled with gel. Nakasuot pa siya ng eye glasses. He stared at me curiously. Nakakunot kase ang noo nito.

No matter how tempted I was to ask a question, I didn't. They would hurt me if I say a word. Tinakpan ko ang aking bibig upang masiguradong mapipigilan ang sarili.

"I won't hurt you," he spoke.

Unless I make a noise? I know that! Kaya nga hindi ako nagsasalita hindi ba!

Tumango lamang ako upang ipakita na alam ko namang totoo ang sinasabi niya.

"Then talk to me. How long have you been here?" he asked.

I still did not talk to him. Imposibleng hindi niya alam. The fact that he was freely able to visit me here means he is one of them.

He sighed then looked at my face. Bigla akong nanliit sa aking pwesto. Sa tagal ko rito ay hindi ko nakikita ang itsura ko sa salamin.

Dumukot siya sa kanyang bulsa, base sa ekspresyon niya'y may hinahanap siya ngunit hindi niya mahagilap. Nanonood lamang ako sa kanya nang tahimik.

He pulled out a pink hair tie.

Bakla ba siya?

"I'm not," tila nabasa niya ang iniisip ko. "And I did not read your mind. You said it out loud."

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon