Chapter 86: My Parents

61 20 0
                                    


Hindi ako makapaniwala, sa tagal ng panahon na pangungulila ko sa kanila, nandito sila ngayon sa harapan ko naka ngiti at buong galak na tinitingnan ng mga tao.

Tiningnan ko si Daddy na nakatingin lang din sa akin, nakita kong may halong pag aalala sa kanyang mga tingin pero nakangiti pa rin sya na para bang sinasabi na magiging maayos na ang lahat.

Nasa tabi nya naman naka upo ang Ina ko na inakala kong matagal nang patay. Kitang kita ko sa mata nya ang matagal nyang pangungulila sa akin at parang gustong gusto na nya akong yakapin ngayon pero pinipigilan nya ang kanyang sarili.

Lalo akong napa iyak, iyak dahil sa saya. Napakasaya ko nang makita kong nandito sila ngayon, mag kasama at buhay na buhay. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Melissa!" Naramdaman kong hinawakan ni Thunder ang aking balikat at inalo ako. Alam kong naupo na din si Leonder at naka pokus na din sa akin ang atensyon nya.

Ito ba ang dahilan kung bakit nila sinasabing oarte ako ng Royalties? Dahil alam nilang anak din ako ng isang hari at reyna katulad nila?

Ito ba ang dahilan kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon nila pati ng mga guro namin nung nalaman nila ang pangalan ng mga magulang ko pati na rin ang totoong pangalan ko?

Ito ba ang dahilan kung bakit madalas akong mapalagay sa panganib dahil alam ng mga kalaban na hindi lang ako basta basta estudyante dito sa Sanctuary Academy?

Isa ba ito sa dahilan kung bakit palagi nalang akong nanaginip tungkol sa nakaraan ko? Hindi kaya may kinalaman talaga ang lahat ng bagay na iyon sa pagkatao ko?

Napailing nalang ako at mas lalong naiyak sa mga bagay na iniisip ko. Napaka saya ko ngayon subalit naoaka gulo din ng utak ko.  Samot saring senaryo ang pumapasok sa isipan ko.

"Mia, water." Nakita kong inabot sa akin ni Leonder ang hawak nyang tubig kaya nanginginig ko pa iyong hinawakan at ininom. Inalalayan nya din ako para siguradong hindi iyon matapon.

"Relax yourself." Thunder said and continued rubbing my back to make me comfortable.

Narinig kong nag simula na ulit mag salita si Ma'am Maris pero wala akong kahit na anong maintindihan. Napako lang ang mga mata ko sa mga magulang ko na siyang nakatingin lang din sa akin.

Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kamay ni daddy at nag thumbs up sya sa akin kaya napangiti ako, madalas nya iyong ginagawa sa akin noong bata ako to make me feel okay.

Parang sign nya kasi yon at ang ibig sabihin non ay 'That's okay.'

Sa sobrang preoccupied ko ay hindi ko na napansin na tapos na pala sa mga pag sasalita nya si Ma'am Maris at ngayon ay si Mr. Sora na ang may hawak ng microphone.

"Todays is very special day for us since its the anniversary of Sanctuary Academy and besides of that, we also have King and Queen of Sanctuary World!" he said with full of energy kaya ganun din naman ang isinukli sa kanya ng mga estudyante.

"And now here's King Dorcas to give us a very warm message."

Pag kasabi noon ni Mr. Sora ay agad na tumayo si Daddy. Bahagya pa syang nag bow sa aming lahat at ngumiti. Tiningnan nya na naman ako at kinindatan kaya bahagya akong napatawa. Well that's my dad!

"Good morning everyone!" He said full of joy. "How's your life everyone?" tanong niya kaya naman kanya kanyang sagot ang mga estudyante.

"Okay good to know that y'all doing good. Ipagpatuloy nyo lang yan." Bahagya syang tumawa. Napaka sarap pakinggan ng boses ng ama ko, kaya ng hilig niya noong basahan ako ng ibat-ibang stories bago ako matulog.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now