Chapter 62: What's wrong?

189 37 0
                                    

Tahimik akong nakahiga sa damuhan sa kalagitnaan ng gabi habang tinitingnan ang mga nag kikinangan na bitwin.

Nandito ako sa sa likod ng girls dormitory dahil dito ako dinala ng aking mga paa simula nung nagwalk out ako kanina. Mas maganda na nga din dito dahil alam kong makakapag isip-isip ako ng maayos.

Hanggang ngayon iniisip ko padin ang nangyari kanina. Ano bang maling nagawa ko para saktan nya ako?

Naalala ko na naman ang mga lapnos sa dalawa kong braso. Hindi ko padin ito nagagamot kaya naman bakas padin ang natuyong dugo. Kung tutuusin wala naman talaga akong nararamdamang kahit na anong sakit ngayon. Para ngang naging manhid na ako dahil sa sugat ko.

Kung nasa tabi ko lang ngayon si Daddy sigurado akong labis syang mag aalala sa akin. Noong bata pa nga lang ako kahit napaka maldita ko sa kanya hindi nya padin ako nakakalimutang alagaan. Ayaw na ayaw din nya na nasusugatan ako dahil mag iiwan daw ito ng peklat.

"Mia?" Rinig kong wika ng isang boses ng babae.

Mabilis akong napabangon mula sa pag kakahiga at napatingin sa pinag mulan ng tinig na iyon.

"Ma'am... Luna? Ano pong ginagawa nyo dito?" Takang usal ko.

Pormal syang umupo sa tabi ko, nakita ko pa nga ang pag daan ng pag tataka sa kanyang mukha ng makita nya ang dalawa kong braso.

"Pinapahanap ka ng mga kaibigan mo." Nilahad nya ang dalawa nyang kamay kaya naman nag taka ako. "Hawakan mo ang mga kamay ko, gagamutin ko yang sugat mo."

Kahit nakakahiya ay sinunod ko nalang ang sinabi nya. Sandaling minuto lang ang lumipas ay nag simula akong maka ramdam ng pag daloy ng mga tubig mula sa aking mga palad papunta sa aking braso.

Binalot ng tubig ang buo kong sugat, akala ko ay makakaramdam ako ng kahit na konting pag kirot ngunit nag kamali ako. Tanging lamig lang ang naramdaman ko.

Pinag masdan kong mabuti ang kanyang ginagawa at namangha ako ng makita kong unti-unti nang nawawala ang aking sugat hanggang sa mag laho na iyon.

"That was cool! Thank you!" Mangha kong wika. "Ano pong kapangyarihan nyo?"

"I have a power to control a water and ability to heal a person." She said.

Sa tuwing nag sasalita talaga sya hindi ko maiwasang ipag kumpara sila ni Tita Aurora. Mag kaparehong mag kapareho kasi sila, mula sa pananalita, pag kilos, pananamit, o kahit na pati narin sa itsura. Mukha silang pinag biyak na bunga.

"Bakit ka nga ba nandito?" Tanong nya ulit. "Kanina pa nag aalala sayo mga kaibigan mo."

"Mga kaibigan?"

Sinong kaibigan naman kaya ang mag aalala sa akin? Matapos ng nagyari kanina sa amin ng mga Royalties sigurado akong wala na silang pakeelam sa akin.

"Kami!" Sabay akong napatingin sa dalawang babaeng bigla nalang lumitaw.

"Zoey! Aliyah!" Gulat na bulaslas ko.

Bigla nila akong dinamba ng yakap kaya napahiga kami pare-parehas sa damuhan.

Shocks, grabe talaga tong dalawa na to. Kung maka damba ng yakap akala mo naman hindi kami nag kikita kita.

"Hey stop I can't breath!" I laughed hard while giggled with them.

"We miss you so much!" Ali said.

"Nag kikita naman tayo ah?" Natatawang wika ko.

Umupo ako ng ayos at tiningnan silang dalawa ng nakangiti.

"Well, I miss you both too!"

"Ano bang nangyari sayo? Balita namin nag wala daw si Thunder kanina sa boys dormitory tapos sinisigaw daw ang pangalan mo." Pag kukwento ni Zoey.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now