Chapter 73: Black Damian

131 27 0
                                    

"Paanong? Bakit? Dalawa ako? Hala!"

Hindi ko maintindihan kung matatawa ba ako, maiinis, kakabahan o malilito sa mga nang yayari.

Kitang kita namin ngayon ang mga nang yari kagabi. Tama lahat ng kwento nila kay Milo.

Dalawa nga ang Milo na nakikita namin. Ang isa ay ang kasamang nag tatawanan nila Zinco habang inaasar sila Arielle samantalang ang isa naman ay ang kasama ni Kronos na akay-akay sya.

"Sino ang totoo dyan kambal?" Hindi din makapaniwalang tanong ni Miko.

"Yung totoo dyan ay yung kasama nyo Miko." Sagot sa kanya ni Ramphel. Maigi nya ngayong pinag mamasdan ang kilos nung kasama naman ni Kronos. "Wala akong nakikitang anino sa doppelganger mo."

"Ibig sabihin ay hindi sya tao." Thunder said as the matter of fact.

"How come na naka pasok sya dito?" Tanong naman ni Klosh.

"Tingnan nyo to!" Lahat kami ay napatingin muli sa salamalin dahil sa sinabi ni Arielle.

Ang pinapakita na ngayon doon sa salamin ay ang pag pasok ni Kronos at nung doppelganger ni Milo.

Nanlaki ang mata ko nang bigla nalang tinulak ng pekeng Milo si Kronos sa isa sa mga kama.

"Ow shit!" Naibulaslas ko dahil sa gulat.

Ni minsan nga walang gumawa ng ganoon samin kay Kronos dahil alagang alaga namin sya kahit na nag karoon na sya ng katawan tapos bigla bigla nalang may lapastangan na gaganoon sa kanya?!

Makakapatay ata ako ng wala sa oras!

Nakita kong may sinasabi si Kronos pero hindi namin iyon naririnig. Hindi na kasi sakop ng kakayahan ni Arielle ang maka rinig ng mga tunog at ang tanging makaka gawa lamang niyon ay si Zinco.

"Zinco," Rinig kong wika ni Leonder. "Use your ability, can you?"

Nakaramdam ako ng mahinang pag kulbit sa aking kanang braso.

Pag tingin ko sa taong iyon ay hindi na ako nagulat na si Thunder pala. Bahagya syang tumungo upang maka lapit sa aking tenga.

"Close your mind, nababasa namin ang mga nasa isip mo ngayon." Mahina ngunit klaro nyang bulong.

Agad ko namang ginawa ang gusto nya, kaya siguro nasabi iyon ni Leonder kay Zinco.

"Yes I can do that but that's if okay to Pedotim." Mahinang sagot ni Zinco.

"It's fine to me!" Mabilis namang wika ni Arielle.

Hindi na muli sila nag salitang pareho at ginawa nalang ang mga dapat nilang gawin.

"My head is now aching." Hinawakan ni Kronos ang ulo nya habang umiiling iling. "This is my first time drinking alcohol."

Alam kong ang kinakausap nya ay ang pekeng Milo. Bakit ba napaka inosente ng pixie na to? Hindi man lang nya naramdaman na hindi talaga si Milo ang kausap nya.

Nakaka inis! Sa susunod talaga tuturuan ko na sya kung paano maki salamuha ng hindi naloloko at ituturo ko na din sa kanya yung mga natututunan ko kay Master Hester para naman hindi na sya naloloko at hindi na maulit ang nangyaring ito.

"I'm really happy that I have a real body now." Humiga sya sa kama na pinag bagsakan nya kanina. "But I miss my wings especially my buddy Irene."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang tinawag nya sa akin. Oo nga pala, he used to call me Irene pag kaming dalawa lang ang mag kasama noon. Hindi ko alam kung paano nya nalaman yung second name ko basta simula nung naging alaga ko sya ay yun na ang tinawag nya sa akin pag walang ibang tao.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now