Chapter 11: Cafeteria

346 58 0
                                    

"Saan nyo gustong kumain?" Tanong sa amin ni Lucio habang busy kaming lahat sa pag aayos ng gamit upang ilagay sa bag.

After kasi ng first class namain kay Sir wala nang dumating na ibang teacher kaya ang ending dalawang oras kaming vacant at dalawang oras din nila akong kinausap tungkol sa mga kabaliwan nilang ginagawa noon hanggang ngayon.

Madami akong nalaman tungkol sa kanilang lahat dahil sa pag ku-kwento nila.

Nalaman ko na mag kaka-klase na pala sila since nung mga pre school pa kaya naman pala ganon na lahat sila ka close, sawang sawa na nga daw sila sa pag mumukha ng isat isa. Pero sabi nila hindi naman daw sila nahirapang pakisamahan ang isat isa dahil mag kakaibigan din ang mga magulang nila. Nalaman ko rin na tinitingala pala sila ng lahat, I mean simula bata pa lang ginagalang na sila dahil nga anak sila ng mga nag lalakasang tao o sa madaling salita, lahat sila ay myembro ng Royal Families.

Sa totoo lang nainggit ako sa kanilang lahat, sila simula bata pa lang na gagawa na lahat ng ano mang gusto nila na para bang walang samantalang ako simula bata pa lang lahat kontrolado dahil sa kakayahan ko at kailangan ko ding umiwas sa mga tao dahil sasaktan lang nila ako. Kaya nga noon labis ang galit ko sa lahat ng tao lalo na nung mamatay si Mommy dahil kay Daddy.

Pakiramdam ko napaka unfair ng mundo sakin, sobra.

Pinilig ko ang aking ulo upang mawala yung mga iniisip ko.

Ano ba naman yan, kung kaylan ko gustong i enjoy buhay ko balak na naman umeksena ng mga ala-alang nag pa lugmok sa akin sa loob ng mahabang panahon.

"Tanungin nyo yung baguhan kung saan nya gustong kumain, doon tayo." Narinig kong sagot ni Ramphel kay Lucio.

Sinara ko muna ang zipper ng bag ko bago hinarap si Ramphel. "Bakit ako?" Tanong ko sa kanya na may pag tataka.

"Wala kaming oras para mag pahanda ng pa welcome party sayo. Kaya pam pa-lubag loob, ikaw ang mamimili kung saan tayong lahat kakain." Walang pakundangan nyang sagot sa akin habang may ngisi sa mga labi pero ang kanyang mga tingin ay lampas sa likuran ko na para bang may tinitingnan doon kaya agad akong napa lingon sa likod pero wala namang tao.

"Ram." Isang babalang tonong sabi ng lalaki, si Thunder.

"Kidding. But I'm serious, ikaw nalang ang mamili ng kakakinan natin." Pa mimilit na naman nya.

Wala naman akong alam na ibang kainan dito bukod don sa cafeteria at sa Mall.

Napangisi naman ako ng may pumasok na ideya sa aking utak. Tamang tama don nalang kaya? Baka sakaling makita ko pa don yung dalawa kong baliw na ka door mates.

"Cafeteria." Napatingin naman silang lahat sa akin na para bang hindi maka paniwala sa sagot ko.

Why? May mali ba don? Diba kainan din naman yun?

"Are you sure?!" Sabay na tanong sa akin ng kambal.

"Baka nandon si..." Agad napatikom ang bibig ni Miko ng mapag tanto nya ang sinabi nya at dahil don ay napangisi ako.

Napatingin naman si Milo sa kanyang kambal at hinihintay ang i dudugtong nya.

"Ano! Ibig kong sabihin baka nandon na naman yung mga babaeng patay na patay sakin." Palusot nya.

Kunwari namang inubo si Zinco at na nunuyang naka tingin kay Miko na na mumutla. "Palusot mo gasgas na."

Alam kong narinig ni Miko pero mas pinili nyang mag patay malisya. Yan talaga ang special talent nila, ang mag patay malisya pag hindi na alam ang gagawin.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now