Chapter 22: It's real

320 50 0
                                    

"How's your feeling, Mia?" Tanong sakin ni Dr. Phillip. Marahan nya kasing dinadampian ng ice bag ang binti ko para hindi daw kirot ng kirot pag ginagalaw.

"I feel..." Napangiwi ako ng makaramdam na naman ako ng sakit. "Aray!" Mahinang daing ko.

"Oww sorry." Usal ni Dr. Phillip. Inalalayan ako ng isang nurse para maka upo ng ayos.

"Doc gamutin ko nalang po kaya si Mia para mabilis gumaling yang bali nya?" Sabi ni Lira na sya namang mabilis na kina iling ni Dr. Phillip.

"It doesn't work Lira. We try so many medicine ticnics just to heal all her wounds but it doesn't works. Kaya nga inabot na sya dito ng tatlong linggo." Paliwang nito sa kanya. Naintindihan naman iyon ni Lira kaya di na sya umimik pa.

Napatingin ako sa iba pang mga Royalties na tahimik lang. Si Klosh na mukhang batang inosente na nasa tabi ni Lira. Si Zinco at Arielle, as usual nag papa-yabangan na naman sa isat-isa. Si Sheena busy sa pag cecellphone nya. Si Ramphel nasa isang tabi lang habang bumubulong, mukhang kausap na naman yung mga kaibigan nyang ka luluwa. Si Hansel naman tahimik lang din pero pinag lalaruan ang buhok ni Trump na mahimbing ang tulog at parang walang pakeelam sa paligid. Si Kirby naka tayo lang din sa isang gilid at pinapanood ang ginagawa ni doc. At ang huli ang kambal na busy sa pag lalaro ng relo. Pina iikot-ikot nila yon sa daliri nila na parang bata.

May napansin lang ako, parang kulang sila e. I mean bakit na wawala ata yung tatlo? Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto pero ni anino nila ay di ko mahagilap. Yung mga kulugo talaga na yon, matapos akong guluhin kanina aalis nalang ng basta-basta.

"Kaylan ako makaka balik sa Academy?" Tanong ko gamit ang paos na boses.

"You need to stay here until its already heal." Sagot sakin ni doc at tinuro pa ang binti ko na hanggang ngayon ay dinadampian nya padin ng ice bag.

"Sa Academy nalang ako mag papagaling."

Humarap naman sya sakin at pinag masadan ako. Hindi nya agad ako sinagot, mukhang nag iisip ng sasabihin sa akin. "We still need to monitor your legs." He point out.

"Mabilis lang naman na gagaling yan." Giit ko. "Let me go back in Academy." Pahabol ko pa at medyo pinalambot ko ang aking boses.

"Still no." Inayos nya ang suot na eye glases. "Nurse ikaw na mag tuloy nito." Inabot ni doc don sa nurse na umalalay sa akin kanina ang ice bag. "May aasikasuhin pa kong ibang pasyente."

Nag lakad na sya palabas. Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko e 'still no' nga daw? Tss.

"Hey sis chill ka lang. Kami ang bahala kay doc." Wika ni Arielle at kinindatan pa ko. Ano naman kayang plano nito?

"Anong kami ang bahala'ng sinasabi mo dyan? Tanga ikaw lang ang bahala!" Basag naman ni Zinco sa kanya.

"Ay may nag salitang unggoy, gosh!"

"Ay may conyong gorilla, gosh!" Pang gagaya pa nya sa boses ni Arielle.

And here we go, nag simula na naman ang bangayan nila at nakisali pa ang walang magawang kambal kaya lalong umingay. "Can you all please shut up?" Malamig na tanong ko sa kanila. Nanahimik naman sila pero bumubulong bulong parin kaya hindi ko nalang pinansin. Mag sasayang lang ako ng laway.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now