Chapter 61: Questions

173 37 0
                                    

"Dapat siguro iregister na natin si Kronos dito sa Academy, ano sa tingin nyo?" Pag bibigay opinyon ni Lucio.

Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon ng mga Royalties papunta sa park. Wala naman kasi kaming pasok at mabuburyo lang kami sa dorm kung doon lang kami titigil.

Tama si Lucio, magandang ideya nga kung ireregister na namin si Kronos bilang isang mag aaral ng Sanctuary Academy. After all alam ko namang matagal na nyang inaasam na makipag salamuha sa ibang tao bukod sa amin.

Matagal ko na nga din syang pinag kaitan na makalabas at i-enjoy ang pagiging fairyman nya kaya siguro oras ko na 'to para maka bawi sa kanya kahit papaano.

"Pero paano natin ipapaliwanag kay Mr. Sora kung saan sya nang galing at kung paano natin sya nakilala?" Sabat naman ni Sheena.

Naupo kaming lahat sa ilalim ng isang malaking puno. Kokonti lang ang mga istudyanteng nag pupunta dito kaya dito namin naisip na mag pahangin para iwas agaw atensyon din.

"Ako na bahalang mag paliwanag kay head master ng lahat."

Lahat sila ay napatingin sa akin dahil sa sinabi ko kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Why? Did I say something wrong?" Nag tataka kong tanong.

"Mia hindi kasi ganon kadali yon e, madadaan na naman tayo nyan sa matinding tanungan." Usal ni Miko.

"Saka baka ma kwestyon na naman tayo ng ibang mga sanctuaryo." Sabi naman ni Milo.

"Eh bakit ako? Noon namang pinakilala nyo ako kay Mr. Sora hindi na sya nag tanong ng kung ano ano pa."

"Mia mag kaiba kayo ni Kronos. Ikaw totoong tao ka si Kronos naman ay isang fairyman lang na nag katawang tao dahil nasa tamang edad na." Paliwanag sa akin ni Lira.

"Pero wala namang pinipili dito hindi ba? Lahat naman ng gustong mag aral dito ay tinatanggap hindi ba?"

"Yun ang inaakala mo. Kahit matagal ka na dito, madami pading mga sikretong tinatago ang mundong ito." Seryosong ani naman sa akin ni Thunder.

Kanina pa sya tahimik at ngayon lang ulit sya umimik. Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang mood nya, masyado syang magulo at mahirap basahin ang bawat reaksyon nya.

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Ayon sa nabasa ko noong libro tungkol sa mga fairies and pexies, pag daw nakipag kaibigan sila o nakisalamuha sila sa isang tao ibig sabihin itinakda sila upang bantayan at gabayan yung taong iyon which is hindi ordinaryo dahil pili lang at napaka bihira lang ang mga taong napipili nila. Bihira lang din sila nag papakita kung kani-kanino dahil sa pag kaka alam ko may batas sila na sinusunod at isa doon ang huwag basta basta mag papakita sa mga tao maliban nalang sa taong babantayan nila." Pag kukwento ni Hansel.

"Then?"

"Ikaw yung unang naging kaibigan nya at ikaw yung lagi nyang sinusundan hindi ba? Ibig sabihin binabantayan ka nya dahil hindi ka ordinaryo."

"Hindi naman talaga ako ordinaryo dahil katulad ninyo ako." Sarkastiko kong pahayag.

Ano ba naman kasing mga pinag sasabi nila, talaga namang hindi ako ordinaryo e. Meron bang ordinaryong tao na may kapangyarihan? Oh diba wala.

"Mia hindi mo kasi naiintindihan." Wika naman ni Ramphel.

"How can I understand if y'all can't explain to me very well?"

"Alam mo madaling mag salita pero mahirap gawin." Sabi ni Zinco.

"Pag ipinakilala natin si Kronos madaming mag tataka kung saan sya nang galing at out of nowhere bigla nalang syang lumitaw kasama natin. Hindi naman natin pwedeng sabihin nalang na isa syang fairyman na biglang lumitaw nalang at sumama sa iyo pag katapos ay nag katawang tao dahil tulad nga ng sabi kanina ni Hansel nag papakita lang ang mga katulad ni Kronos sa taong naka takda nilang bantayan at gabayan. Pag nagkataon panigurado akong maraming mag tataka kung paano nangyari yon." Paliwanag naman sa akin ni Trump.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now