Chapter 49: Jealous?

218 44 0
                                    

"I know, I'm going to fail the exam." Halos pag bagsakan ng langit at lupa si Lira habang nag lalakad kaming lahat papunta sa cafeteria.

Pinag uusapan kasi nila yung tungkol sa test namin kanina sa Seductive.

Aaminin ko, kahit na hindi ko inintindi ang exam na yon ay alam kong mahirap agad. Nag basa din naman ako kahit na inasal ko lang yung mga sagot ko.

Wala ba naman akong matinong maisip na pumasok sa isip ko kundi yung kahihiyan na ginawa ko kanina. Ewan ko lang kung sinong makakapag concentrate non.

"Kung ikaw nga nahirapan paano pa naman kaya kami?" Wika naman ni Sheena na kapantay ko.

"Akala ko madali lang yon kasi medicine lang naman yon!" Maktol nya pa. "Ang daya pa kasi wala naman sa binigay na reviewer satin yung mga tanong doon. Saan nang galing yon diba?"

"Tanggapin nyo nalang kasi na mababa ang makukuha natin!" Sabat ni Klosh na tiyak kong kinairita ni Lira.

"Palibhasa kasi sanay ka naman laging mababa ang nakukuha sa mga exam mo! Lagi mo lang namang inaasak yon eh."

"At least nag aaral naman ako."

"Anong silbi ng pinag aaralan mo kung hindi mo naman gagamitin sa tama?"

"Tama na nga yan, napaka ingay nyo na naman!" Saway ni Zinco at nanguna na mag lakad sa aming lahat.

"Anong problema ng boyfriend mo ate Aerielle?" Natatawang tanong ni Hansel kay Aerielle na busy sa pag kikikay-kikiyan.

"I dunno sa kanya--" Nanglaki ang mata nya at kunot noong tiningnan si Hansel. "Boyfriend? Sino boyfriend ko?" Wala sa sarili nyang tanong kaya napatawa ang mga kasama namin.

Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to, napaka slow din minsan. Puro kaartehan ba naman ang alam. Ka urat.

"Wala kang boyfriend tanga!" Sagot ni Zinco mula sa unahan at mas binilisan ang lakad nya kaya naman nag sunuran nalang kami habang nag tatawanan sila.

Tahimik lang kami, simula nga kanina hindi pa ako nag sasalita. Kahit yung apat hindi man lang din nag aabalang ibuka ang bibig nila at mag imikan. Hindi ko pa nga pala na tatanong kay Kirby kung bakit sya may pasa malapit sa labi pero hayaan na nga, baka kung ano na namang mang yari pag ginawa ko yon at ayoko nang maulit pa yung kanina.

Nakarating kami sa cafeteria kaya naman dumeretsyo na kami sa usual spot namin dito. As usual puro maiingay na istudyante na naman ang kasabay namin dahil pinag kaka guluhan ang mga kasama kong Royalties. Hindi ba sila nag sasawa sa mga pag mumukha ng mga taong ito.

"Okay, order na!" Bigay senyas ni Ramphel sa mga lalaki.

Tumayo ang Trio at ang kambal.

"I'll get mine only." Malamig na wika ni Thunder bago nangunang mag lakad papunta don sa pila. Ngayon lang ulit sya nag salita.

Huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng kaba sa takot dahil sa boses nya. Shit!

"What's yours Sheena?" Tanong ni Lucio kaya sinabi agad ni Sheena ang gusto nya.

Sabay silang umalis ni Leo pero nahuli kong sumulyap sakin ang dalawa ngunit mabilis din namang umiwas.

"Weirdo nila" Sabi ni Milo.

"Sa inyo anong gusto nyo?" Tanong naman ni Miko.

"As usual nalang lahat yung satin." Sagot ni Klosh pag katapos ay tumayo sya at sumama sa kambal.

Nag simula na naman silang mag usap usap, biglang tumayo si Kirby at lumapit sakin. "Anong gusto mo? Ako na ang o-order." Offer nya.

Pinag masdan ko muna yung pasa nya sa may labi kaya naman umiwas sya ng tingin. Napaano kaya iyo?

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now