Chapter 95: First War of Signus

60 16 0
                                    


"You are three years old that time when the first War of Signus started." Nakuha ni Mommy ang atensyon ko nang bigla siyang nag salita. Akala ko ay wala syang balak makisali sa usapan dahil kanina pa sya tahimik.

"War of Signus?" takang tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon.

"War of Signus ang pinag pasayahan naming ipangalan sa gerang hinamon sa amin ni Theodore. Natuloy ito noong nag tatlong taong gulang ka dahil hanggang doon lang ang palugid na binigay niya sa amin ng ama mo para patayin ka. Nalaman ito ng mga kaibigan namin katulad nila Lidos. Isa sila sa tumulong sa amin nung panahon na iyon, lingid sa kaalaman namin nakipag sanib pwersa si Theodore kay Luciana. Malakas ang kapangyarihan nito at madami din itong mga alagad kaya nahirapan kami nung mga panahon na iyon. Aaminin ko sayo anak, masyado kaming naging kampante na matatalo namin sila ngunit di namin inaasahan ang ibat-ibang patibong na hinanda ni Theodore. Maraming mga tao ang namatay nung araw na yon upang tumulong sa amin. Nung mga oras na nagigipit na kami, mas gusto nila Lidos na tumakas na kami ni Dorcas dahil hindi magtatagal ay hindi na namin kakayanin ang pwersa ng kadiliman. Alam ng iba pang mga hari at reyna na ikaw lang ang makakatalo sa kanila sa naka takdang panahon kaya pinilit nila kaming umalis at iligtas ka. Wala naman kaming nagawa ng ama mo kundi ang ituloy ang nauna naming plano na pumunta sa mundo ng mga tao. Si Lidos ang nag palabas na nawawala kami at namatay ka. Ipinaubaya namin sa kanila ang lahat pati na rin ang pangangalaga sa mundong ito para masamahan ka sa mundo ng mga tao."

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon matapos marinig ang sinabi nang aking Ina. Kita ko ang pagiging sincero nito sa bawat salitang kanyang binibigkas. Ganon kalaki ang sakripisyo na ginawa ng lahat para lang manatili akong buhay?

"Kung iniisip mo na pagiging selfish ang ginawa namin dahil iniligtas ka namin nung mga panahon na iyon, nagkakamali ka anak." Muling pag sasakita ni Daddy. "Kung pinilit naming manatli sa gera wala padin namang pag asa na mananalo kami at baka ngayon ay wala na tayong tatlo sa mundong ito at patuloy na nag hari ang kadiliman. Ikaw ang tanging inaalala namin noong mga panahon na iyon, sayo nakasalalay ang buong kapanan ng mundo nang Sanctuario kaya mahalaga ang buhay mo hindi lang para sa amin kundi sa buong mundo natin."

"Pero kung tumakas na kayo nung panahon ng gera, paano nyo napatay si Queen Malianna?" Sa wakas ay nag ka lakas nang loob na ako para mag salita.

Isa iyon sa napakalaking palaisipan para sa akin dahil hanggang ngayon ang bagay na iyon pa rin ang gumugulo sa isip ko.

"Habang nagaganap ang gera, nakita ko ang batang si Thunder na na umiiyak at nag tatago…" Panimulang kwento ni Mommy. "Kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata habang nakikita ang nangyayari sa buong paligid. Katulad mo, masyado pa syang bata nung panahon na iyon. Naaawa ako sa kanya dahil nag iisa lang sya, mukhang napahiwalay sya sa mga taong nag babantay sa kanya. Kilala ko si Malianna, hindi nya pinapabayaan ang anak nya. Hindi ko na sana papansinin ang batang iyon noon ngunit nakita ko ang papalapit na apoy papunta sa lugar pinagtataguan nya kaya wala akong nagawa kundi ang kuhanin sya para iligtas. Mukhang hindi din iyon inaasahan ni Thunder kaya gulat siyang nakatingin sa akin at napayakap. Balak ko na siyang tanggalin sa lugar na iyon upang mailipat sa mas ligtas na lugar nang makita ko si Malianna." Tumigil si mommy at napansin ko ang mapait na ngiti sa kanyang labi.

"Akala niya ay pinag tatangkaan ko ang buhay ng anak nya katulad nang ginagawa nila sayo Melissa. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na mag paliwanag sa kanya nung nag harap kami dahil agad nya akong  sinugod. Dahil sa pag aaway namin ay nabitawan ko ang anak nya kaya nag punta iyon sa kanya at binuhat nya sa kanyang kanlungan at naging tyempo nya din naman iyon upang masaksak ako."

Gumalaw si mommy at bahagyang itinaas ang gilid ng damit nya kaya naman napatingin ako doon. Nakita ko ang isang mahabang peklat, halatang matagal na iyon at humilom na ngunit ang bakas ay nanatili pa.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now