Chapter 47: Mood swings

202 45 0
                                    

I'm laying on my bed right now while massaging my tummy. It's hurt too much! I don't know if I can even go back to my class.

Hindi na ko naka uniform dahil naligo ulit ako. Sobrang init na init kasi ako kahit na malamig naman dito sa dorm namin. Ang hirap talaga maging babae!

"Ren, eto oh hot compress. Ilagay mo dyan sa puson mo para mabawasan yung sakit." May inabot sa akin si Kronos na parang isang maliit na bag kaya inabot ko iyon at pinatong sa puson ko.

Eto ang ayoko sa tuwing first day akong nag kakaroon kasi sobrang sakit talaga. Tamad pa naman akong kumilos pag may masakit na parte ng katawan ko. Ang gusto ko nalang ngayon ay kumain ng kumain at mag hapong humiga dito sa kama at matulog. Nababawasan kasi yung sakit ng katawan ko sa tuwing ginagawa ko yon.

Tahimik ang paligid kaya minulat ko ang mata ko at tiningnan si Kronos, naka higa sa kama nya habang nag babasa ng libro. Halos ma takluban na nga sya ng binabasa nya dahil mag kasing laki lang sila. Pansin nya sigurong di nya dapat ako kulitin kaya nanahimik nalang sya.

Kung iisipin sino nga kaya sya? Bakit bigla nalang syang sumulpot sa aking tabi noon at sinabing hindi na sya hihiwalay sa akin. Napaka swerte ko sa nilalang na 'to sa totoo lang. Kahit napaka liit nya malaki ang naitutulong nya sa akin. Napag titiyagaan nya din yung ugali ko kahit papaaano. Pag alam nyang nagagalit or naiinis ako gusto nya sa kanya ko ibunton kaysa sa ibang tao kasi daw malaki ang chance na masaktan ko sila sa mga salitang bibitawan ko.

Sa kaligitnaan ng pag mumuni muni ko ay bigla nalang nag bukas ang pinto ng kwarto ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Sheena na papasok.

"There you are!" Parang naka hinga sya ng maluwag ng makita nyang naka higa lang ako sa kama. "Bakit naka pambahay ka?" Tiningnan nya ang suot kong damit.

"What?" I ask her. Eh sa gusto kong ito ang suotin dahil mas komportable ako dito, eh bakit ba?

"Why are you wearing like that? Hindi ka na ba babalik sa klase? Malapit na mag time saka pinapasundo ka nila sakin."

Hindi ko sya sinagot ng matapos na syang mag salita. I don't feel like talking right now. I'm too lazy to move my mouth or ever utter a words.

"Oh so you have menstruations that's why you're not in the good mood, huh?" She smiled at me so I noded. "Okay I'll go back to our room now. Malapit na mag start ang klase ni Master Hester." Tumango nalang ulit ako.

Tumalikod na sya sakin at palabas na sana sa kwarto ko ng may maala ako. "Sheena!" I called her name. She face at me clueless and waiting what would be I'm going to say. "Do you have extra pads?" Medyo nahihiya ko pang tanong.

Wala na kasi akong napkin, balak ko naman talaga bumili mamaya kaso nga tinatamad akong mag lakad. Alangan namang mag pabili ako edi mas nakakahiya iyon.

Napatawa sya dahil sa sinabi ko, "Of course! Wait hold on, I'll just get it on my room." Dere-deretsyo na syang lumakad kaya napabuntong hininga ako. Maya maya naman ay bumalik na sya at may dala dalang isang balot ng napkin.

"Here." Inabot nya sakin.

"Thanks!" I said then smile.

"Welcome. Bye alis na muna ako. Madaming pag kain dyan sa kusina kung nagugutom ka." Nag lakad na ulit sya papunta sa pinto ng bigla na naman syang mapatigil at humarap sa akin. "By the way, may test tayo mamaya about sa Seductive kaya kung kaya mo, pumasok ka." Paalala nya bago tuluyan na talagang lumabas sa kwarto ko.

Napa bumtong hininga na naman ako. Damn it, I forgot about that! So talaga ngang kailangan kong pumasok mamaya.

Dahil sa pagiging tahimik ng buong kwarto namin ni Kronos ay hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now