Chapter 72: Doppelganger

126 29 0
                                    

Lumabas na ako sa kwarto ko matapos kong mag ayos ng aking sarili. Pinilit ko ding gawing panata ang pakiramdam ko, hindi dapat ako nag iisip ng kung ano-ano.

Masyado pang maaga kaya naisipan kong mag basa basa muna. Kailangan kong maka catch up ng maayos sa mga lessons. Besides, ang alam ko, sa month na to ay madaming magaganap na events dito sa Sanctuary Academy at malapit na din maging busy ang lahat specially ang mga Royalties.

Dala dala ko ang aking bag ng bumababa ako sa sala. Nandito padin si Lira na mukhang naka tulog na ulit talaga, habang si Hansel naman ay nag kakape na pero mukhang lutang padin.

"Ang aga mo naman ata kumilos Mia?" Napatingin ako kay Sheena na galing kusina.

Naupo sya sa isang single na sofa at pinanood akong halukhatin ang mga gamit ko.

"Mas maganda na to para di din ako mag madali mamaya." Sagot ko sa kanya habang pinag patuloy na ang pag babasa sa notes ko.

"Hinahanap mo daw si Kronos? Sabi sakin ni Arielle kanina pag labas ko sa banyo eh."

Atomatikong napa tingin ako sa kanya ng sabihin nya iyon. "Napansin mo ba sya kagabi?" Mabilis kong tanong.

"Actually oo, sya ang unang natulog kagabi. Kung tama ang tanda ko doon sya natulog sa kwarto ng kambal."

"Sigurado ka?" Alam kong dapat ngayon ay hindi na ako nag iisip pa ng kung ano ano dahil sa sinabi nya pero may bumabagabag padin talaga sa akin.

"Oo naman, nakita ko mismong si Milo ang nag alalay sa kanya papasok sa kwarto."

Sa halip na mag tanong pa muli ay mas pinili ko nalang na manahimik. Binaling ko na ang buong atensyon ko sa mga notes na binabasa ko kahit na ang utak ko naman ay si Kronos.

Siguro nga saka lang ako mapapanatag pag nakita ko na sya ngayon.

"Good mooorrniinggggg!" Bigla kaming nakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa bintana

Mula doon ay isa isa nang pumasok ang mga lalaki na pinangungunahan ni Milo na syang sumigaw. Mukhang sa kanilang lahat, sya lang ata ngayon ang may mataas na energy dahil sa pag sigaw nya. Sya lang din ang nakangiti samantalang ang iba ang naka ngiwi lang. Mukhang inaantok pa din sila.

Syempre alas-sais pa lang naman ng umaga at kalimitan pag nag pupuntahan sila dito mga 6:30 na.

"Ano ba naman yan!" Napatingin ako kay Lira ng bigla syang tumayo habang nag kakamot ng ulo. Tiningnan nya ng masama si Miko at bugnot na bugnot syang umakyat sa taas papunta sa kwarto nya.

Sino ba naman kasing di maiinis kung kanina pa nasisira ang tulog mo dahil sa mga sigaw diba?

"Oh, ang aga naman ata ng regla non." Narinig kong wika ni Klosh. Naupo sya sa sofang hinihigaan kanina ni Lira.

"Good morning, beautiful." Nanindig ang balahibo ko ng biglang may nag salita mula sa likuran ng aking tenga. Sa sobrang lapit noon ay ramdam at amoy ko na agad ang mabango nyang hininga.

Bahagya kong hinilig ang ulo ko na syang naging dahilan naman upang lumapat ang labi nya sa pisngi ko. Agad naman akong napalayo dahil sa gulat.

"Thunder!" Nanlalaki kong matang wika.

Natawa naman sya sa naging reaksyon ko. "What?"

"Tumigil ka nga!" Saway ko sa kanya.

"Tss girlfriend na naman kita kaya anong masama doon?"

"Maaga pa kasi!"

"So what time should I do that?" He ask sarcastically kaya tiningnan ko sya masama. "Just kidding!" Bawi nya naman agad.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now