Chapter 40: Just choose

191 48 0
                                    

Third person point of view

Sari saring taktika ang ginawa ng mga taong naiwan na pinangungunahan ni Thunder para kalabanin ang mga naka maskara.

Pagod man sila pero hindi dapat sumuko dahil ito ang nasa plano, sila ang bahala para sa mga natirang kalaban.

Sa kabilang panig naman, ganap ng nakapasok ang grupo ang nila Leonder sa pinto. Sobrang dilim doon kumpara sa kanilang pinang galingan.

Hingal na hingal silang dahan-dahang nag lalakad. Para silang na ngangapa sa dilim.

"Magaling at nandito na kayo!" Nakaka panindig balahibong bati sa kanila ng isang tinig ng babae na hindi nila alam kung saan nag mula.

Napatigil silang lahat at parang na bato sa kanilang kinatatayuan. Mukhang kilala nila kung kaninong boses iyon ah?

"Fvck!" Isang malutong na murang nag mula kay Samantha ng maramdaman nyang may gumagapang sa kanyang binti. Hindi man nya makita kung ano yon pero sigurado syang isa iyong ahas.

"Ops sorry!" Mapanuyang sabi pa nung tinig. "Mukhang magaslaw yung mga alaga ko ngayon." Humalakhak ito na parang demonyo.

"Sana maging masaya kayo sa  pakikipag laro."

Biglang nabuhay ang ilaw sa buong paligid kaya napa pakit sila dahil sa silaw. Agad din naman silang naka bawi at laking gulat nalang nila ng mapag masdan ang buong lugar.

Merong dalawang tao na naka upo sa upuan. Naka tali at punong puno ng mga latay sa buong katawan. Punong puno din ng sugat ang bawat parte ng kanilang mukha. Sa likod naman nila, meron ding dalawang taong may taling kadena sa kamay habang naka bitin. Naka takip ng makapal na sapot ng gagamba ang kanilang bibig habang sa ilalim nila ay naka palibot ang ibat ibang uri ng ahas na mukhang gutom na gutom.

Hindi maka paniwala sila Leonder sa nakikita nila ngayon. Buong akala nila isang tao lang ang bihag ng mga ito pero nag kamali sila. Pati rin pala ang iba nilang kasama ay nabihag din. Kaya pala kahit anong gawin nilang pag hahanap ay hindi nila makita ang mga kasamahang humiwalay sa kanila.

"Aaahhhh!" Isang malakas na sigaw mula kay Arielle ang nangibabaw sa loob ng kwarto.

May naka pulupot na malaking ahas sa binti nya. Pero hindi lang pala si Arielle ang pinuluputan ng ahas. Pati din pala si Samantha at Hansel. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at pa ngamba.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napabalik ang tingin nila sa unahan kung saan nandon ang apag nilang kasamahan na nabihag.

Merong dalawang lalaking naka maskara at sa gitna nila ang babaeng kinakatakutan ng lahat. Hindi nila aakalaing buhay pa pala ito at ito pa mismo ang mag papakita sa kanila. Ang buong akala nila ay matagal na itong patay dahil sa nangyari noong gera. Matagal din kasi itong nawala at hindi gumagawa ng kasamaan kaya naman ganoon nalang ang pag ka gulat nila ng makita nila ito ngayon sa harapan nila.

Sya pala ang may pakana ng lahat ng ito. Pero bakit? Bakit nya ito gagawin ganoong matagal na naman itong naka bawi.

"Shock huh?" Tama nga sila itong babae ngang ito ang narinig nilang nag salita kanina.

Lahat sila ay hindi padin maka bawi sa pag ka bigla.

"Sinong mag aakalang kakagat pala kayo sa pain ko?" Tumawa na naman ito ng nakaka panindig balahibo.

Gustong gusto na nilang umatake pero hindi sila ma kakibo. Natatakot sila na baka sa oras na kumibo sila bigla nalang silang sunggaban ng ahas.

"Kayo na ang bahala sa mga yan," Nag laho nalang bigla ang babae at naiwan ang dalawang naka maskara. Kilala nila kung sino ang dalawa at hindi din sila maka paniwala na buhay din ang mga ito sa kabila ng pinaramdam sa kanila ni Thunder.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now