Chapter 66: Book Of Royalties

173 30 0
                                    

A/N: Hey guys sorry kung sobrang tagal kong walang update. As you can remember, nung January lang pumutok yung bulkang taal at isa kami sa mga naapektuhan non. Naging evacuees kami kaya sobrang hirap mag adjust pero sa awa naman ng D'yos naging maayos din naman ang lahat.

Ngayon may panibago na naman tayong pag subok na kinakaharap, stay safe every one! Always sanitize your hand and wear your mask. Malalagpasan natin to, tiwala lang. Fighting! God bless!

PS: masyado din akong naaapektuhan ng katamadan kaya sorry talaga. Hahaha!

Enjoy reading!

--------

"

Tell us what really happened to you, little girl." Mr. Sora said with full of authority.

Matapos nung nangyari kanina, nag disisyon si Sir Lidos na dalhin ako sa office ni head master at wag nang pa-attenden ng klase nya. Ayaw ko man ngunit wala na akong nagawa dahil sya na mismo ang nag utos.

"It's just a private thing Mr. Sora." I said with full of respect.

Tiningnan nya naman ako ng deretsyo sa mata na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko kaya mabilis kong sinara ito para masangga ang kakayahan nya.

"Okay, let me guess. It's about to your family, am I right?" He raised his eyebrows to me.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya kaya hindi ako agad naka react.

"Don't worry if you really don't want to share it, it's fine. I respect your privacy." He smile so my senses got back.

"Ah... Yeah." Seriously, this is super awkward.

Tumayo sya sa kanyang pag kakaupo at pinuntahan ang isang bundok ng mga papeles sa isang gilid ng lamesa nya.

"If you don't mind Mia, you can go now. Kita mo naman..." Hinampas nya ng kamay ang mga papel dahilan kung bakit muntik na sanang gumuho ang mga iyon. "Oh, that was too close." He said when he fix it again.

Tiningnan nya naman ulit ako, "Madami pang trabaho ang kailangang tapusin ngayong araw. Alam mo naman sa mundong to, kahit may mga kapangyarihan tayo kailangan padin mag trabaho ng mano-mano."

"Okay I gotta go." Tumayo na ako at nag bigay galang sa kanya. Tatalikod na sana ako pero narinig ko syang nag salita kaya napatigil ako.

"Kung nag hahanap ka ng magandang lugar na mapag papahingahan, siguro maganda sa library."

"Why?" I got suddenly confused. Well, hindi naman talaga ako nag hahanap ng pag tatambayan ko. Plano ko kasi ngayong sumaglit sana sa dorm namin ng mga Royalties para mabisita si Kronos.

"Wala lang. Maganda kasing mag basa basa ng libro para ma relax. Lalo na kung tungkol sa History ang mga babasahin mo."

"Salamat po. Sige aalis na po ako. Good luck Mr. Sora!" Tipid ko syang nginitian at pabiro akong sumaludo sa kanya.

Tuluyan na akong lumabas at nag simula nang mag lakad lakad. Sa mga naka lipas na araw, nagiging ka-close ko na yung mga guro dito, hindi ko alam kung bakit basta bigla nalang silang lahat naging mabait sa sakin.

Habang nag lalakad lakad ako, parang nawalan ako nang ganang mag pahinga. Alam kong mema lang naman yung sinabi sakin ni Mr. Sora pero natagpuan ko nalang bigla ang sarili kong nag lalakad papunta sa Library.

Madami akong nakaka salubong na ibang mga istudyante pero hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang ako sa pag lalakad.

Why do I have this feeling na may pinahihiwatig sa akin si Mr. Sora kaya nya ako pinapapunta dito? Hays. Eto na naman ako eh, nagiging curious na naman sa napaka liit na bagay.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now