Chapter 64: Fire Gun

185 35 0
                                    

"Papasok ka ba ngayon?" Napatingin ako kay Ali ng bigla nya akong tanungin.

Kasalukuyan kami ngayong nag aalmusal ng sama sama. Nakaka panibago, masyado akong nasanay na kumain kasama ang mga Royalties araw araw.

"Hindi ako pwedeng umabsent." I answer.

"Pero makakasama mo ang mga Royalties ngayon, is that okay to you?" Sabi naman ni Zoey.

Napatigil ako sa pagkain at saglit na napa isip, tama sya. Kung papasok ako ngayon makaka salamuha ko ang mga Royalties and worst baka si Thunder din. Ang alam ko naka labas na daw sya kagabi dahil kumalma na daw sya.

"I can manage my self, don't worry about me. I'm fine." But I know deep inside, nag sisimula na naman akong mangamba sa mga mang yayari ngayon.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanilang dalawa na kinakabahan ako dahil ayokong pati sila ay mag alala sa akin. Bahala na kung anong mang yayari mamaya, basta haharapin ko nalang sila. Sa tagal ko na silang naka sama ngayon pa ba ako mangangamba?

"Basta kung meron mang hindi magandang mang yari umuwi ka na agad dito at bigyan mo kaming dalawa ng signal ha?" Bilin pa ni Zoey na tinanguan ko lang.

Nag patuloy na kami sa pag kain ng almusal hanggang sa matapos kami. Pare-parehas na naman kaming mga bihis kaya pag katapos mag hugas ni Aliyah ng plato ay agad na din kaming lumabas ng sabay sabay.

Pag labas namin sa dorm, madami kaming naka salabong na ibang babae na mukhang palabas na din. Yung iba ay pinag titinginan kami or should I say ako habang yung iba naman ay tumitigil para lang bigyan kami ng madadaanan. Meron din namang mga babae na talagang makakapal ang mukha ang mukha dahil pinag bubulungan ako. Hindi ko nalang sila pinanansin at pinag patuloy nalang namin ang aming pag lalakad.

"Grabe talaga tong mga chismosa na to, wala man lang mga hiya." Parinig ni Aliyah sa mga babaeng nadadaanan namin na pinag uusapan ako.

"Ali don't mind them." I said without any expression.

Wala din naman kasi akong panahong pag aksayahan sila ng oras and besides mga nag papapansin lang naman sila.

"Ang aga aga kasi mga nakaka sira ng araw. Akala mo naman kung sinong mga magaganda e mas maganda naman ako sa kanila." Umirap pa sya sa hangin kaya napatawa sa kanya ni Zoey.

"Hindi ba dapat ako ang mag sabi sa kanila nyan dahil ako ang mas mas maganda?"

"Shut up!" Inis na wika ni Aliyah.

Napailing nalang ako sa insata nilang dalawa, para talaga silang mga bata. Nag tatalo sila dahil lang sa maliit na bagay e kung tutuusin nga mas maganda pa ako sa kanilang dalawa. Lol.

Nang makalabas na kami ng building ay nag paalam na sila sa akin at humiwalay. Binilinan pa nila ako na pag nag ka problema daw ay bigyan ko lng daw sila ng signal at ire-rescue nila ako. Kahit kailan talaga ginagawa nila akong bata sa mga pinag gagawa nila.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag lalakad ko sa field ng biglang may humarang sa akin na limang rebulto ng tao. Pamilyar sa akin ang mga mukha nila pero di ko matandaan ang mga pangalan. Madali kasi talaga akong makalimot ng mga pangalan lalo na kung mga walang kwenta naman yung mga taong tintandaan ko.

"Excuse me." Sabi ko dahil naka harang silang lima sa harapan ko.

Ang laki laki naman kasi nitong soccer field pero talagang sumalubong pa sila sa akin. Bulag ata sila.

"May narinig ba kayo?" Mapang uyam na tanong ng isang lalaki.

"Ewan parang may nag sasalita na walang kwentang nilalang." Sagot naman nung isa pang lalaki.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now