Chapter 93: Childhood Friend

60 17 0
                                    


"I, bumalik ka!" Masayang pag tumatakbo ang lalaki sa isang malawak na parke nang makita niya ang nag iisang batang babae.  

Nang marinig iyon ng bata agad siyang napalingon doon at laking gulat nya nang makita niya ito. 

"M!" Masayang pag tawag nito. 

Silang dalawa ang palaging mag ka laro dito sa parke. Madalas silang maka punta sa tuwing pinapayagan sila ng kanilang mga magulang. 

Ang batang lalaki ay mas matanda ng ilang taon kaysa sa batang babae. Nakilala lang rin nila noon ang isat-isa nung pareho silang nagpunta dito para mag libang. 

"Akala ko hindi ka na ulit babalik dito." Humihingal ang lalaki habang naka harap sya sa batang babae na naka ngiti sa kanya. "Halos tatlong linggo ata kitang hindi nakita." Pag iisip pa nito. 

"Akala ko rin hindi na rin ako makaka labas ng bahay, M." Sagot ng babae. 

"Halika, gusto mo bang sumama sa akin? May bago akong na discover dito." Inilahad ng batang lalaki ang kanyang kamay kaya naman buong galak lang iyong hinawakan ng isa pang bata. "Sa tagal mong nawala nag laro na lang tuloy ako mag isa."

"Saan ba yung ipapakita mo? Hindi ako pwede mag tagal sa lugar na ito dahil tiyak na hahanap din agad ako ng mga magulang ko. "

Patuloy parin sila sa oag lalakad hanggang sa nakarating sila sa dulo ng parke. Agad na natanaw ng batang babae ang isang duyan. Eto yung bagay na matagal nya nang gusto sakyan nakikita niya ito noon sa pinag tatambayan ng mga kawal sa kanilang palasyo. 

"Hindi ba sinabi mo sakin noon na gusto ng duyan I?" 

Humarap sya sa batang lalaki at tumango. "Oo gusto ko maramdaman ang pakiramdam na hinihele gamit ang bagay na ito." Nakangiti nya namang sagot. 

"Halika na tutulungan kitang sumakay." 

Lumapit silang pareho sa duyan. May kataasan iyon para sa bata ngunit katulad ng ng sinabi ng lalaki ay tinulungan niya ngang makasakay at mag duyan ang babae. 

"WHOOOOO!" Masayang sigaw ng batang babae habang sinimulan syang mahinang iduyan ng kanyang kalaro. 

Masyado syang maliit para ma ilapag nya ang kanyang paa sa lupa kaya naman ang lalaki ang nag silbi nyang taga duyan. 

"I'M FLYING!!!" Muling sigaw nya kaya naman natatawa na lang syang pinapanood ng lalaki. 

Lumipas ang ilang minuto na puro lang sila tawanan at sigawan. Literal silang mga musmos na bata na gusto lamang mag saya sa mundo. Dahil sa tagal na rin ng kanilang pag lalaro, tumigil na sila sa kanilang pag duduyan upang makapag pahinga. 

Parehas silang naging masaya sa sandaling, isa kasi ang kasayahan sa bagay na ipinagkait sa kanila sa tuwing nasa mansyon sila. 

"How are you, I?" Naupo ang batang lalaki sa isang malaking bato at humarap sa babae. 

Hindi na sya nag abala pang tumabi sa duyan ng batang babae dahil gusto nyang ma enjoy nito ang bagay iyon. 

"I'm good, right now?" Hindi siguradong sagot nito sa kanya. 

"Right now? Bakit naman, dapat sigurado ka sa bagay na iyan." Katulad ng isang musmos, bakas ang pagiging inosente sa mukha nya habang naka tingin lamang sa kanyang kalaro. 

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now