Chapter 98: War Threat

68 20 0
                                    


Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha nang natapos kong mabasa ang sulat. Muli akong napatingin sa hawak hawak kong box ng kwintas. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang gusto niyang isuot ito o itatago ko na lamang.

Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin kaya naman dali dali kong pinunasan ang luha ko at humarap sa taong iyon.

Nakita ko ang nag tatakang mukha ni Sheena nang mapansin nyang may hawak hawak ako ngunit agad ko naman iyong itinago sa aking likuran.

"Ayos ka lang ba?" Takang tanong nya. Alam kong sinusubukan nyang basahin ngayon ang iniisip ko kaya naman sinugarado kong sarado ang utak ko. "Umiyak ka ba?" Pag puna nya oa, siguro ay napansin nyang mamasa masa ang mata ko at hindi niya kayang basahin ang nasa isip ko.

"Wala medyo napuwing lang, nagliligpit kasi ako ng mga kalat." Pag palusot ko. Nakita ko naman na nakatingin siya sa mga gift wrapper na sira sira na at naka kalat sa paligid.

"Gusto ko bang tulungan kita?" Lalapit na sana sya sa lamesa pero agad ko syang pinigilan sa pamamagitan nang pag iling.

"Hindi na, papasok din naman kasi muna ako sa kwarto ko. May kailangan lang akong kunin doon." Pag iiba ko sa usapan. Alam kong patuloy niya pa rin akong pipilitin kaya kailangan ko na munang umalis dito para makapag isip-isip.

"Kung ganon sasamahan na kita." Talagang pursigido kaya kaya mabilis akong umiling.

"Sheena hindi na, mabilis lang ako. Kailangan ko lang kumuha ng pamunas sa pawis ko. Masyadong mainit at hindi ako pwedeng matuyuan ng pawis." I said.

Mukha namang pumayag na sya kaya naman hindi ko na sya hinintay pang sumagot at dere-deretsyo na akong umalis sa harapan nya.

Narinig ko pa ang pag tawag nya sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin. Nang maka pasok ako sa palasyo, nakita ko pa si mommy at daddy na nagkukwentuhan kaya naman pasimple na lang akong nag lakad papunta sa kwarto ko.

Nang makita ko na ang kwarto ko ay agad akong nag madaking pumunta doon at pumasok, sinigurado ko na ding naka lock ang pinto para kung sakali man na may sumunod sa akin ay hindi sila makapasok.

Agad akong nag punta sa kama ko at nang hihinang napa upo, muli kong tiningnan ang hawak hawak ko parinh sobre at box ng kwintas.

Hindi ko alam kung paano ito napunta doon pero isa lang ang sinisigurado ko, nagpunta dito si Thunder dahil impossible naman na ipinadala niya ito sa kahit na sinong miyembro ng Royalties dahil sabi nila sa akin simula nung nasaksak ako ay hindi na rin muli sya nag pakita kasama sj Aliyah.

Dahan dahan kong inalis sa box ang kwintas, maganda ito kahit simple lang. Iisipin kong walang espesyal sa kwintas na ito kung hindi ko sana nabasa ang sulat ni Thunder. Alam kong may purpose ito dahil hindi ito basta basta mag bibigay ng kahit na anong bagay nang walang kwenta.

Ngunit ang malaking tanong sa aking isipan ay bakit binigyan niya ako nito at nag padala din sya ng sulat? Ang akala ko ba ay galit na galit sya sa akin, kaya nya nga ako sinaksak ng dalawang beses dahil gusto niyang mamatay na ako hindi ba?

Gulong gulo ako. Kung masama ang loob nya sa akin bakit nya sasabihing mahal na mahal nya ako sa kabila ng lahat nang yari at humingi din sya ng tawad sa kanyang nagawa. Gusto nya ding makapag paliwanag sa akin upang sabihin ang lahat ng rason nya. Hindi kaya ay isa na naman to sa mga paraan niya upang mapa ikot ako?

Hindi ko na alam! Gulong gulo talaga ang isipan ko.

Dahil sa pagod nang naganap na party para sa akin napag pasyahan ko na munang itabi ang kwintas at sulat na ibinigay ni Thunder sa aking mini table.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now