Chapter 76: Flute Of Demonico's

120 24 0
                                    

"A--- what sir?!"

Gulong gulo ako sa sinasabi nya. Anong plauta ng mga demonico? Meron bang ganon?

"Ang plauta ng mga demonico ang isa sa mga kinatatagong yaman ng mundong ito. Naka saad yan sa history at kung nakikinig kayo sa klase ay dapat alam nyo yan."

Tangina, pano ko malalaman yon e palagi nga akong tulog sa oras ng klase sa History? Si sir Lidos naman ang galing din sumagot.

"Dad, diba si Menendez ang may hawak noon?" Wika naman ni Lucio.

Sino naman si Menendez?

Sana naman aware sila na hanggang ngayon madami padin akong hindi alam sa mundong ito no.

"Tama si Menendez nga ang nangangalaga ng plauta na iyon."

"Tito, Menendez is a black damian too diba?" Wika naman ni Arielle.

"Yes, si Menendez ay isang demonico din ngunit di tulad ni Memphis, mas mabait ito at napapakiusapan pa."

Memphis? Sino naman iyon?!

Kanina Menendez, ngayon naman Memphis? Bakit ba ang papanget ng pangalan ng mga tao dito? Lol!

"The Black Demonico's twin."

Napatingin ako kay Thunder na nakatingin din pala sa akin. Mukhang para talaga sa akin ang sinabi nyang iyon.

"Sila ang taga pangalaga ng plauta ngunit tanging si Menendez ang nag babantay dito at inilalayo nya iyon kay Memphis."

Tumango-tango ako. Siguro nga ay mag kaiba talaga sila ng ugali kaya ganon nalang kung pangalagaan ni Menendez ang plauta.

"Ang sabi sa mga libro, ilang daang taon na silang nabubuhay na dalawa sa kagubatan ng Sheremenra. Sa gitnang bahagi sila matatagpuan ngunit buwis buhay ang pag punta sa gubat na iyon. Madaming naka kalat na mga bitag at kahit saan ay may mga naka sugo din na mababangis na hayop. Pinaniniwalaang silang dalawa lang ang sinusunod ng mga mababangis na nilalang na naka tira sa kagubatan."

"Ngunit bakit sa gubat sila nakatira?" Nag tataka kong tanong.

Kung ilang daang taon na silang nabubuhay, bakit sa gubat nila napiling mamuhay ng ganoong katagal?

"Sa kadahilanang madaming nag tatangkang kumitil sa kanilang buhay para lang makuha ang plauta ng mga demonico." Sagot sa akin ni Sir Lidos at sya na ang nag patuloy sa kwento.

"Pinaniniwalaan din kasing, bukod sa pag tawag at pag kontrol sa mga black damian, kayang kaya ding alamin ng plauta ang mga nakatagong propesiya na hindi magawang ilabas ng mga natatangi at mga hinirang na Mata sa mundong ito katulad ni Queen Minerva na ina ni Sheena."

Napatingin ako kay Sheena, nakikinig lang din sya. Sa pag kakatanda ko nga ay na kwento nya sa akin noon na ang ina nya ang Queen ng Dreamland at may kakayahan ito na makita ang hinaharap ng isang tao na namana nya din.

"Iyon ang dahilan kung bakit kahit matagal nang nabubuhay ang kambal na iyon ay mas pinili nilang mabuhay sa mapanganib na kagubatan."

"Cool." Sabay na pag bibigay na komento nila Milo at Miko.

"Kung ganon paano tayo makakapunta sa bundok ng Shere - keneme na yon?" Napairap ako ng di ko magawang sabihin yung pangalan ng bundok na yon.

Arte-arte naman kasi pwede namang maikli lang yung ipangalan eh.

"Mt. Sheremenra." Pag tatama sa akin ni Thunderbird pero inirapan ko lang din sya.

"Whatever it is! So pano nga?" Tanong ko sa kanila.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now