05: House

47 3 0
                                    

Kinabukasan ay agad kong tinawagan si Dad dahil balak ko sanang bumili ng bahay. Kasalukuyan silang wala sa Pinas dahil sa isang business trip.

"Yes, anak?" bati niya sa akin.

"Dad, I want to buy a house."

There was silence for a minute then he cleared his throat. "A-Are you getting married?"

I chuckled. "Hindi po."

"Is this for Erazius?"

I was hesitant to answer.

"Okay lang naman, anak. Hindi naman ako magagalit. Erazius is a good man," aniya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Thanks, Dad."

"Just tell me kung saang bahay ang gusto mo para ma process ko agad ang titulo," aniya.

"Thank you po."

Sa loob ng mahigit isang linggo ay abala ako sa paghahanap kung anong magandang bahay. Mayroon naman nang pinatayo sila Daddy for us, I just have to pick kung anong design. Ayoko kasing magpagawa from scratch dahil gusto kong lumipat na roon agad.

Malawak ang aking ngiti nang dumating ang titulo ng lupa. Tahimik akong bumalik sa loob ng bahay kung nasaan ang mga kapatid ko. Hindi ko pa rin sila kinakausap.

"Ano 'yan?" tanong ni Catmint nang makapasok ako.

Lumapit ako sa kanila at binigay 'yon. Hindi na ako nag explain. May common sense naman sila. Nagmamadali akong umakyat sa aking kwarto upang mag impake.

I checked my phone and saw Zius' text message.

My boo 💖: Good morning, ganda. Are you awake na?

Agad akong nagtipa ng tugon sa kanya.

Ako: Yes! How are you?

My boo 💖: I miss you. Date tayo mamaya?

Ako: I miss you more but I can't go today. I have some errands to do.

My boo 💖: Oh. That's sad. Can I come?

Ako: You will regret it.

My boo 💖: Why though?

Ako: Come at our house and you'll see.

My boo 💖: Okay. I'll be there in an hour. I love you.

Masaya akong nag-i-impake nang marinig ko ang mga katok at boses ni Cedar at Catmint.

"Come in," sigaw ko.

"Is this real?" tanong ni Catmint.

"Yeah."

"So you're leaving?" pag-aalalang tanong ni Cedar.

"Obviously."

"Why?" he asked.

"I don't like here," pag-aamin ko.

"Is it because of our fight? I'm so sorry about it, Li. Hindi namin sinasadya," paglalambing ni Catmint.

Nakatuon lang ang aking atensiyon sa mga tinutupi kong damit.

"Lilac," pagtawag ni Cedar.

"Ayaw niyo akong mangialam sa buhay niyo tapos nangingialam kayo sa akin? Wow!" I scoffed.

"Lilac naman..." ani Catmint.

Binitawan ko ang damit na tinutupi ko at tumingin sa mga mukha nilang punong-puno ng pag-aalala. Umiling lang ako sa kanila saka ko ulit tinuon sa pag-iimpake ang aking atensiyon.

Wala talaga akong panahong makipag-argumento sa mga taong sarado ang utak. Kung nandito lang si Ren, siya ang madalas nag-i-interpret ng thoughts at actions ko para maintindihan nila.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon