21: Kiss

119 2 0
                                    

Mahigit dalawang linggo ang nakalipas at kakatapos lang naming i-celebrate ang birthday ni Erazius. Hindi kami lumabas dahil wala pa namang nakakaalam ng set-up namin. Hindi rin alam ng kakambal niya na may anak na kami.

Ayoko pang ipaalam sa lahat lalo na kung hindi pa ako sigurado kay Erazius at alam kong mapi-pressure lang siya lalo na kung malaman ito ng mga magulang ko.

Hindi na rin natutulog si Zius tuwing gabi sa bahay dahil sabi niya ay hindi pa kaya ni Elisha ang mag-isa kaya sinasamahan niya. Wala naman akong problema roon. Mas gusto nga ng mga bata na umaga bumibisita si Zius.

"Doon muna kayo sa house ni Uncle Imil and Aunt Amaris, okay?" paglalambing ko sa mga bata.

Kasal kasi ngayon nina Franco na isa nang ganap na doctor at Atty. Adorn at ayoko namang malungkot ang mga bata kaya ihahatid ko sila sa bahay ni Imil kung saan nandoon sina Amara.

Dadalo si Imil sa kasal pero ang asawa niya ay napagpasyahang hindi muna dahil ayaw ni Imil na mabinat ito. Narinig ko ang kanilang paghiyaw at malawak na ngiti. Gustong-gusto kasi nilang makipaglaro sa mga pinsan nila.

Nakarinig ako ng busina mula sa aking mga kapatid kaya agad kaming lumabas. Sumakay kami sa kotse ni Ren habang si Catmint ay nakasakay sa kotse ni Archer at si Cedar naman ay nagso-solo lang.

Pagkatapos naming ihatid ang mga bata ay dumiretso na kami sa simbahan. Biglang tumunog ang aking phone at napangiwi na naman ako nang makita ang numero ni Erazius.

Ang clingy! Wala pa ngang isang oras no'ng huli niyang tawag, e!

I cleared my throat and I try as hard not to show any emotions. I don't want my brother to be curious about this.

"Oh?" tugon ko nang masagot ang tawag.

"On the way na ba kayo?"

"Yes."

"Nahatid niyo na ang mga baby natin?" malambing niyang tanong.

"Yes."

"Can I hang out with you after my work?"

"Depends. Kailan ka naman matatapos?" bulong ko sa kanya.

I took a quick glance at Ren. Wala naman siyang reaction. Siguro ay pinipilit niyang huwag makinig sa akin.

"Probably after the ceremony," aniya.

"May event pa after ng ceremony," paalala ko sa kanya.

"Ay, oo nga pala. How about after that? Uwi na lang kaya tayo tapos patulugin natin ang mga bata? Hindi pa kasi ako pwedeng matulog sa bahay natin. Kailangan ko pang bantayan si Elisha," aniya.

"Okay," maikli kong tugon.

"Hindi ba ako pwedeng ngumiti sa 'yo mamaya?" he asked, sighing.

"Subukan mo at nang malaman mo," pagbabanta ko sa kanya.

Bahagya siyang natawa. "Sorry, boss. Sige na. Magta-trabaho muna ako. I love you, my love."

"I-Ingat," I uttered then hang up the call.

Wala pang isang minuto nang makatanggap ako ng mensahe kay Erazius. Hindi ko pa rin sini-save ang kanyang numero. Tinatamad ako.

+63 995 xxxx xxx: Mag-iingat ako, madam. Huwag kang mag-aalala. Hihi.

Ako: Yuck.

+63 995 xxxx xxx: Gusto mo bang mabaril ako? :(

Ako: Syempre, hindi.

+63 995 xxxx xxx: Hindi naman ako magpapabaril. Magaling kaya ako.

Ako: Sml

+63 995 xxxx xxx: Oo. Sml as in so much love.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon