06: Argument

66 3 0
                                    

Our valentine's day was very special. Erazius surprised me with a dinner date sa bahay. Nagluto siya ng steak at binigyan ako ng sandamakmak na bouquet of flowers.

All the days that had passed were always special. Ilang linggo kaming gabi-gabing nagku-kwentuhan at nag-uusap sa bahay. Typical lang naman ang ginagawa namin. Sinasabi ko kay Erazius na huwag na kaming lumabas dahil marami namang pagkain dito sa bahay.

At maso-solo pa namin ang isa't-isa! Ang sabi niyang uulit-ulitin namin? Ginagawa niya nga! Hindi ko alam kung bakit niya gustong magkaanak agad kami! Siguro ay gusto niyang sabayan si Imil! Mga siraulo talaga!

Pero hindi naman ako tatanggi. Gusto ko rin naman.

"Boo? Pwede ba akong sumama kina Marcus?" ani Erazius nang matapos kami sa aming midterm exams.

"Sure. Ano namang gagawin niyo?"

"Iinom daw," aniya.

I nodded. "Okay. So hindi ka ba bibisita sa bahay natin?"

"Uuwi ako mamaya sa 'yo."

I nodded.

Kumain muna kami sa Bloom Restaurant bago niya ako ihatid sa bahay at bago siya makipag-inuman.

When I arrived home, I feel empty... The house feels empty. It was always like this kaya nga sinasabi ko kay Zius na kung uuwi siya ay dapat tulog na ako para hindi ko mapansin.

Naligo muna ako bago nahiga sa kama at natulog. Ang convenient talaga nitong skill ko sa pagtulog dahil kung malungkot ako, itutulog ko na lang.

Nagising ako ng madaling araw. Agad kong tinawagan si Zius dahil ang sabi niya ay uuwi siya.

"Where are you?" tanong ko sa kanya. I rolled my eyes when I still hear the background music.

"Pauwi na," aniya.

"Anong pauwi? Ang ingay nga ng background mo!"

"Pauwi na ako, boo..."

"Uminom ka ba nang marami? Bakit ka ba nagtagal diyan? Umuwi ka na sa inyo," masungit kong sabi.

"Papunta na ako sa uuwian ko..."

"Ge," I uttered then I hang up the phone.

Pinikit ko ang aking mata dahil alam kong uuwi na siya sa bahay nila. Baka sobrang lasing pa 'yon! Paano 'yon makakapag-drive? Hay nako!

Napaigtad ako nang makaramdam ako ng yakap. Agad akong lumingon at tiningnan si Zius.

"What the hell are you doing here?" masungit kong tanong sa kanya.

"Inuuwian ka. You're my home, boo. I love you. I'm so sorry natagalan. Si Marcus kasi umiiyak na naman," aniya habang nakapikit. He reeked of alcohol.

"Okay. I love you more," I said, blushing. He was the sweetest guy. "Anong oras kita gigisingin? Hindi ka ba uuwi?"

"Gigising ako mamayang 6 am," aniya.

I nodded. "Goodnight, boo."

"Goodnight, my love."

***

Paggising ko ay wala na siya. Na-a-amaze ako kung bakit kaya niya pa ring gumising nang maaga kahit lasing. Hindi yata normal 'tong boyfriend ko! Bumalik naman siya agad. Kain at tulog lang ang ginawa namin.

Titig na titig lang ako sa kanya habang natutulog siya.

"Boo, stop staring," he said in his raspy voice.

I chuckled. "Ang gwapo mo, boo. Sobra," sabi ko.

He smirked.

Ilang minuto ang nagdaan nang mapansin kong sobrang lalim na ng kanyang pagtulog. Pinaulanan ko lang siya ng mga halik. Hinahaplos ko ang kanyang mukha.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon