07: The Break Up

107 3 0
                                    

Bigla akong nanghina. Ang sakit sakit! Para akong mababaliw. Napaupo ako sa couch habang humahagulgol. Niyakap ko lamang ang aking sarili.

Hindi ko kaya ang sakit kaya wala akong ibang choice kung hindi ang itulog 'to. Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napaupo.

He came back. Nagmamadali siyang lapitan ako. "I'm so sorry, boo... I'm so sorry for making you cry."

Biglang nangilid ang aking mga luha.

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Family problem ulit, boo. Frustrated lang ako lately. I'm so sorry kung nadamay ka," paglalambing niya sa akin.

Hindi ako nagsalita dahil humahagulgol pa rin ako pero nakahinga ako nang maluwag.

Binuhat niya ako patungo sa kwarto namin. Yakap-yakap niya lang ako hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Tanghali na akong nagising dahil wala naman kaming pasok ngayon. Wala siya sa aking tabi kaya inaasahan kong nakauwi na siya sa kanila pero nang makalabas ako ay nakita ko siyang nagluluto ng pizza roll.

"Good morning, boo. Ang ganda mo," aniya saka malawak na ngumiti.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Umuwi ka ba?"

He nodded. "Oo pero bumalik din ako agad. Busy kasi si Elisha kay Cedar kaya hindi na ako nag-aalala sa breakfast niya."

I nodded.

Nangungulumbaba lang ako habang nakaupo sa dining area. Iniisip ko pa rin ang kagabi. Paano kung isang araw hindi na siya babalik? Paano kung may ibang problema na naman siya? Hindi ko na naman siya matutulungan...

"Hey, kain na tayo?" paglalambing niya sa akin.

I nodded.

"Padamihan tayo?" aniya saka nakangisi.

Napangiti ako at tumango.

Sunod-sunod naming kinain ang pizza roll na ginawa niya. Marunong naman pala siyang magluto. Busog na busog ako pagtapos naming kumain.

"Thank you," I uttered then I smiled.

Hinaplos niya ang aking pisngi. "I love you, boo..."

Biglang uminit ang aking pisngi. "I love you more."

Buong maghapon ay nagyakapan lang kami habang nanunuod ng mga movie at syempre hindi mawawala ang food trips namin.

***

Sa mga sumunod na araw at linggo ay naging abala kami ni Zius para sa papalapit naming finals exam.

"Excited na ako sa bakasyon natin!" sabi ni Catmint habang papalabas kami ng campus.

"Hindi siguro ako makakasama," sabi ko habang sapo-sapo ang aking bibig.

"Hey, are you okay? You look pale," aniya habang hinahagod-hagod ang aking likod.

I nodded. "Dahil lang siguro 'to sa hell week," sabi ko. Nakakastress kasi ang aming finals exam.

Nagtungo kami sa parking lot kung saan naghihintay si Cedar.

Sumakay ako sa front seat habang sa likod naman si Catmint.

"Oh? Where's your sunshine?" takang tanong ko sa kanya.

He glared at me. "Boyfriend mo si Zius. Malamang alam mo kung ano ang ginagawa nila ngayon."

Mahina akong bumungisngis.

Dumaan muna kaming Bloom Restaurant para kumain. Nang matapos kami ay hinatid muna ako nila Cedar sa bahay ko bago sila nagpaalam.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng aking ulo at para akong dehydrated pero hindi ako makatayo dahil nahihilo ako kaya tinawagan ko si Catmint.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon