14: Marriage

142 3 0
                                    

"Thank you, Beb! Mag-apply ka sa Bloom, ah?" sabi ko sa Chef namin. Tatlong taon na kasi siyang nandito sa bahay. Isang linggo na lang ang dadaan bago kami uuwing Pilipinas.

"Thank you po sa tulong niyo, Ms. Lilac. Mamimiss ko po kayo at ang mga babies!" aniya saka ako niyakap.

Ngumiti ako at niyakap din siya nang mahigpit. Sa loob ng tatlong taon ay natuto akong magluto dahil magaling magturo si Beberly. Hindi ko kayang lutuin ang mga komplikadong putahe. Ang pinag-aralan ko lang ay ang mga paborito ng mga bata.

Sabay kaming lumabas ni Beberly dahil susunduin ko pa ang mga bata habang siya ay dala-dala ang kanyang maleta. Babalik siyang Italy dahil ang isa sa mga kaibigan niya ay gusto siyang makita. Baka mayroong emergency.

Hindi na ako nagtanong pa dahil masyado na iyong personal.

Nagmaneho ako patungo sa nursery school ng tatlo. Nang makarating ako sa kanilang school ay naghintay pa ako sa labas ng kanilang room. Nagdaan ang mahigit sampung minuto nang makita ko silang lumabas.

Malawak ang aking ngiting sinalubong sila. Yakap at halik ang kanilang iginawad sa akin. Isa-isa ko silang pinasakay sa kotse habang ako naman ang nagmamaneho.

"Are you guys hungry?" tanong ko sa kanila.

"Yes, Mommy!" sabay nilang sabi.

"What do you want to eat?"

"Meat!" ani Cadmium.

"Samgyeopsal!" ani Arsenic at Krypton.

Napabuntong hininga ako. Ang lakas kasi nilang kumain at paborito nila ang grilled meat dahil masarap iyon at unlimited pa!

"Mommy, my classmate gave me sandwich," ani Krypton.

"Why did she give you food, baby?"

"She said she likes me," aniya. "But we're going to eat meat so I'm not going to eat the sandwich. Can I give it to you instead? I don't want to waste food, Mommy," aniya.

I smirked. As years passed by, they became more mature. They're already five years old and I'm so proud that I'd raised children like them. At least, I never failed as a mother.

"Aw! Okay, baby. I will eat that," I said, smiling.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang Korean restaurant. Para kaming taksil dahil walang malapit na Bloom Restaurant dito sa lugar namin kaya hindi kami nakakakain doon. Kapag nagbabakasyon lang kami nakakabisita sa Bloom Restaurant.

"Eat na, babies," sabi ko sa kanila nang binigyan ko sila ng malilit na hiwa ng karne.

"We're waiting for you, Mommy," ani Arsenic.

Malawak akong ngumiti sa kanila. "Thank you for waiting for me, my little elements. Mommy is so proud."

Malawak ang kanilang mga ngisi. Binilisan ko naman ang pagluluto dahil ayokong mainip sila sa akin.

"Let's eat!" masaya kong sabi sa kanila nang matapos ako.

They all giggled. Para na silang hindi bati sa sobrang tahimik at focus sa kanya-kanyang pagkain.

"Do you have a crush at school?" tanong ko sa kanila.

"I do," ani Krypton.

Umiling naman si Arsenic at Cadmium.

"Is that the girl who gave you sandwich?" I asked, smiling.

Tumango-tango si Krypton. "But we're going to the Philippines so I can't marry her," aniya.

Nasamid ako. "W-What?" naaalala ko si Erazius bigla. May pinagmanahan talaga.

"Krypton, we're too young for marriage," ani Arsenic.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon