25: Date

74 2 0
                                    

"Boo... For you," ani Zius nang makabalik siya.

Kunot ang noo kong nakatingin sa kanya at sa hawak niyang bulaklak. Kaya ba siya natagalan dahil bumili pa ng bulaklak?

"Salamat," agad ko 'yong tinanggap. Napalingon ako sa mga anak namin nang bigla 'tong bumungisngis. Manang-mana talaga kay Zius!

"I love you, my love," aniya.

Masyadong malakas ang kanyang pagsabi no'n. Napatingin ako sa apat naming kasamang agents na nagkukunyaring walang narinig. Siguro ay nako-kornihan sila kay Zius. Korni naman talaga!

Sobrang saya ko nang makita ang mga bata na nagsho-shoot ng bola habang isa-isa silang binubuhat ni Zius. This is the first time na mag mall kami tapos kasama pa namin siya.

Nasa likod lang nila ako at pinagmamasdan lang sila. Seeing them this happy made my heart flutter. They're my happy pill. I will do everything to protect their happiness. I wiped the lone tear that fell down my cheek.

Nang maubos ang oras ng pagsho-shoot nila ay narinig ko ang kanilang mga tili nang isa-isang nagsilabasan ang ticket mula sa machine. Lumapit ako para isa-isang punasan ang kanilang mukha at likod. Pawis na pawis sila.

"Masaya ba kayong tatlo?" malambing kong tanong sa kanila.

They all nodded.

"Yey! Ang dami nating tickets!" masayang sabi ni Cadmium.

"Laro pa tayo!" sigaw ni Arsenic.

They all giggled then I saw Erazius smiling at us. Napansin ko pa ang phone niya at pinicture-ran kami. Inutusan niya rin ang isa sa mga agents na kuhanan kaming lima ng litrato.

"I love you, boo," bulong niya sa akin bago niya sinimulan ang pagbuhat sa mga bata para mag shoot ng bola.

"Mom, are you okay?" malambing na sabi sa akin ni Krypton pagkatapos niyang maglaro.

I nodded. "Oo naman, baby. Ikaw?"

His gorgeous eyes glinted. "Yes po, Mom! Can we try that po?" he asked while pointing at the claw machine.

I nodded again. "Oo naman!" masaya kong sabi saka ko siya binuhat papunta ro'n. Busy pa ang dalawa kay Zius kaya kami na lang muna.

"I want the pink one, Mom," aniya habang tinuturo ang unicorn na stuffed toy.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Okay, baby," sabi ko saka naghulog ng token.

Sa unang subok ay hindi namin 'yon nakuha. Nakatatlong token na ako pero wala pa rin. Ngumuso ako dahil gusto kong makuha 'yon para sa anak ko.

I felt Krypton's lips on my cheek. "Mom, don't be sad po. Okay lang po ako."

Biglang nangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit emotional ako sa mga nagdaang araw at kung bakit sobrang sweet ng mga anak ko. Binalik ko ang aking atensiyon sa claw machine. Sa ikaapat kong subok ay sa wakas nakuha ko rin ang unicorn.

Dahil may tira pa kaming token, sinubukan ulit namin. Malawak akong ngumiti nang makita ko si Krypton na masaya habang yakap-yakap ang unicorn.

Ang swerte ko yata dahil sunod-sunod akong nakakuha ng stuffed toy! Puro unicorn 'yon pero magkakaiba lang ng kulay. Blue at purple ang dalawa kong nakuha. Nang makabalik kami sa pwesto nila Zius ay sakto namang katatapos lang nila.

Sandamakmak na ticket ang nakuha nila. Tuwang-tuwa silang tatlo. Nakita kong nabulong-bulungan pa sila habang binibigyan ni Krypton ang kanyang mga kapatid ng stuffed toy na napanalunan namin.

Nagpunta kami sa counter para kunin ang prize. Naramdaman ko ang paghawak ni Erazius sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya.

"Is it okay?" tanong niya.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon