08: Dispute

151 3 0
                                    

I broke down in tears, whimpering. Then I looked at him even though it hurts. I would still look at him no matter what he would say. "W-Why? Saan ako nagkulang? Bakit?! Anong problema?"

"H-Hindi na kita mahal..."

Sapo-sapo ko ang aking bibig. Napaluhod ako dahil bigla akong nanghina.

Bigla niya akong nilapitan at sinalo.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Bakit? Okay naman tayo, 'di ba? Mahal mo naman ako, ah! Naramdaman ko naman 'yon!"

"Lilac..." seryoso niyang sabi.

"Bakit?!" hindi napigilang mapasigaw. Tinulak ko siya at napaupo ako sa gitna ng kalsada. "Bakit?! Tang ina! Iiwan mo ako?! Akala ko ba pakakasalan mo pa ako?! Putang ina naman!"

"Hindi na kita mahal! Anong hindi mo maintindihan?!" he fired back.

Parang piniga ang aking puso. Napahawak ako sa aking tiyan. I was so happy when I found out about my pregnancy tapos... wala siyang magiging ama? Hindi pa nga siya pinapanganak, broken family na agad?

"Bakit, Erazius?! Bakit mo ako hihiwalayan?!"

Tumayo siya. "Hindi na nga kita mahal!"

"Bakit hindi mo na ako mahal?! I-Imposibleng nagising ka isang araw na hindi mo na ako mahal! Give me a fucking reason! Please! Please, Erazius! I'm begging you! Don't leave me! Magpapakasal pa tayo!" lumuhod ako at niyakap ang kanyang hita.

"Sa tingin mo ba gusto ko na bumili ka ng bahay?! Para saan? Sa atin?!" He scoffed. "And you think I will marry you?! Ito ang tandaan mo! Hinding-hindi mapapasayo ang apelyido ko! Hinding-hindi kita pakakasalan! I regret the time we had spent together!"

Tiningala ko siya. "D-Did you really mean it?" I asked while tears kept streaming down my face.

"Oo!" he shouted then looked away.

I shook my head. "Hindi ako naniniwala!" I took a deep breath.

Nakita ko ang biglang pagtulo ng kanyang mga luha. Parang pagod na pagod na siya sa akin.

"A-Ayoko na. I need space," he said then he wiped his tears.

"Did you really mean it?" I asked him again.

"Oo," diretso niyang sabi. "Ayoko na at hinding-hindi na ako babalik sa 'yo!"

Tumayo ako at nilapitan ko siya. "No! That is not true! Paano?! Mahal na mahal mo ako, 'di ba? Bakit? Anong mali sa akin? Anong kulang?! Tang ina! Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako mayaman? Hindi ba ako matalino? Hindi ba ako magaling makipag-sex?!"

Taas baba lang ang kanyang mga balikat. Hindi niya ako sinagot.

"Ano?! Sumagot ka, Erazius! Putang ina! Sagutin mo ako! Anong kulang sa akin? Babaguhin ko! Huwag mo akong iiwan! Please..." I shouted, shaking my head. "O baka nasobrahan ka sa akin? Clingy ba ako masyado? Nakukulitan ka ba sa akin? Anong problema?!"

"Hindi na kita mahal, Lilac!"

"Anong gusto mong gawin ko?!"

"Let me go! Go find a man who will love you! And it's not me! It will never be me! I don't love you and I don't care about you!"

"Putang ina!" sigaw ko. "Tang ina!" napahawak ako sa aking dibdib. Malalalim ang aking hininga.

Sobrang sakit! Hindi ko alam kung anong kulang o mali sa akin!

"I will make your life a living hell! If I can't have you then no one's going to have you! I won't let you be happy with your life!" I shouted. Bigla akong natumba dahil sa biglaang pagkahilo ko.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon