L'azienda - Due (Special Chapter)

103 3 21
                                    

ERAZIUS GOMEZ

I was on my way to L'azienda's base to formally file my retirement. I was working there for two decades now.

"Are you sure about this?" tanong ni Attorney Adorn sa akin.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa conference room ng L'azienda kasama sina Ren, Imil, Archer, Chase, Hunter at Atty. Adorn.

I nodded. "Yes, Attorney."

"Pumayag ba ang mga anak mo na maging agents?" boses 'yon ni Ren.

"Si Arsenic lang ang hindi pumayag. He prefers to stay at home and protect Lilac," I explained, smiling from ear to ear.

"Pumayag na ba si Amara na mag takeover sa position mo?" tanong ni Chase kay Imil.

He nodded. "Oo. Last month pa. Gusto ko na rin mag retire para lagi ko nang kasama si Amaris," aniya saka ngumuso.

"How about you, Ren?"

"My wife will kill me if I let the kids work in the company. Pinayagan niya na nga ako na magpatuloy sa trabaho kong 'to, e. Magre-retire lang ako kapag may papalit na sa position ko," aniya.

"Krypton, Amara and Cadmium will takeover Legge, Uno and Cielo's position," ani Attorney Adorn.

We all nodded.

Mahaba-haba pa ang aming pinag-uusapan hanggang sa nauwi kami sa inuman sa Axi's club. Sumunod sina Marcus at ang kapatid ni Jarzaiah na si Kali.

It was already 9:30 pm when we decided to go home. Ayaw naman naming magalit ang mga asawa namin. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Lilac, e. Ni hindi nga ako no'n hinahanap! Naiinis pa ako minsan kasi akala ko wala siyang pakialam pero sobrang laki lang talaga ng tiwala niya sa akin.

Nang makarating ako sa bahay ay dahan-dahan akong pumasok. Hindi ako naglikha ng tunog papasok hanggang sa makarating ako sa aming kwarto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi pa nga ako nakakaapak sa loob nang maramdaman ko na may sumipa sa akin. Narinig ko rin ang pagkasa ng baril at ang tunog ng mga kutsilyo. Mabuti na lang at nakailag ako. Ang kutsilyo ay nakatusok lang sa pinto.

"Shit!" bulalas ko habang nakahilata lang.

Ilang segundo ang lumipas nang bumukas ang ilaw. Nakita ko ang aking mga anak na parang nakahinga nang maluwag. Si Arsenic ang sumipa sa akin. Si Krypton ay may dalang baril at nililigpit na niya 'yon samantalang si Cadmium ay kinukuha ang kanyang mga kutsilyo na nakatusok sa pinto.

"Sorry po, Dad. We thought you're an intruder!" ani Krypton.

"Hindi pa ba kayo sanay sa akin?" I asked, glaring at them.

Arsenic smiled then offered his hand.

Tinanggap ko naman 'yon saka ako tumayo.

"Tumatanda ka na, Daddy," ani Cadmium saka bumungisngis.

"At ang laki-laki niyo na!" sabi ko saka ngumuso.

"Boo, hayaan mo na. Isip bata ka talaga," boses naman 'yon ng Misis ko.

Ngumuso ako saka ko niyakap ang aking asawa. "I miss you, boo."

Mahigpit niya naman akong niyakap. "I miss you more. Marami ka bang ininom?" paglalambing niya.

I nodded. "Pero hindi naman ako nalasing," I said, smiling. "Anyway, ano na naman ang trip niyong apat ngayon?"

"Gusto kasi nilang malaman ang love story natin kaya nagkwento ako," ani Lilac saka mahinang bumungisngis.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon