22: Regrets

113 3 0
                                    

Siguro ay mahigit isang oras ang dumaan nang makatanggap ako ng tawag mula kay Erazius. Ang tigas pa ng mukha dahil FaceTime pa ang gusto.

"Hi, boo. What are you doing?" malambing na bati ni Zius sa akin.

"Wala. Nandito ako sa kwarto ko. Ayokong maistorbo ang anak natin sa tawag," seryoso kong tugon.

"Okay. What's our plan for tomorrow?"

I shrugged. "I don't know. Anyway, sa susunod na araw ay gusto nila Catmint na sila muna ang magbabantay sa triplets."

He grinned. Mukha siyang demonyo sa pag ganyan niya.

My forehead creased. "Ano na naman 'yang binabalak mo?"

"Date tayo? Pasyal tayo sa mall," aniya.

"Ayoko."

"Sige na! Please?" aniya saka ngumuso.

"Ano namang gagawin natin sa mall?"

"Nuod tayong sine. Please?"

"K. Basta ako ang mamimili ng panunuorin, okay?"

He immediately nodded.

"How are they?" tanong ko sa kanya.

"Okay na si Elisha at Cedar. Nando'n sila sa living room nanunuod ng movies. Tsk!" umismid siya.

"At bakit bitter ka? You should be happy for them."

"I want us to do that," he said then frowned. "Naiinggit ako sa kanila."

"Kasalanan mo, e. Manigas ka riyan!" I hissed.

"Ang cute mo naman, boo. Can I go back there? Kahit two hours lang tapos babalik din ako rito," aniya.

Tiningnan ko muna kung anong oras na bago ko siya sinagot.

"It's already 12 midnight," I uttered.

"Tabi tayo matulog. Please?"

I rolled my eyes. "Ge."

His eyes glinted. "Really?"

"Oo. Bilisan mo baka magbago pa ang isip ko."

Narinig ko ang kanyang mga kaluskos. Ilang segundo ang nagdaan nang makita ko sa monitor na papalabas na siya ng condo unit nila. Nagpaalam siyang magmamaneho kaya pinatay na namin ang tawag.

Hindi ko na siya hinintay at natulog agad. Nakakapasok naman si Zius sa bahay dahil registered naman na ang kanyang fingerprint at iris scanner sa security namin.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata nang makaramdam ako na may humalik sa aking noo. Naamoy ko rin ang kanyang pabango kaya alam kong siya 'yon.

"Kanina ka pa?" I asked with my raspy voice. Sobrang inaantok kasi ako.

"Yes, madam. I've been staring at you for 30 minutes."

I smirked. "You're creepy, Zius."

"Sorry, can I sleep beside you na?"

I slowly nodded. "Hindi kita narinig na pumasok."

He smirked. "I'm an expert for that boo. You can't hear my footstep. Kahit ang paghinga ko. Ayokong maistorbo ka sa pagtulog, e."

"You just kissed me on the forehead and it woke me up," I said, glaring at him.

"I'm so sorry, boo," aniya saka tumabi sa akin at yumakap.

Magkaharap lang kami at siya lang ang mahigpit na yumayakap sa akin habang ako ay pumikit muli at saka natulog. Alangan namang may gagawin kaming kababalaghan? Hindi naman ito teleserye.

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon