23: Scared

87 2 0
                                    

"Good morning, beautiful," malambing na sabi ni Zius habang hinahalikan ako sa pisngi.

I groaned. "What time na?"

"9 am na madam," aniya saka malawak na ngumisi.

Napabalikwas ako dahil ngayon ko nga pala ihahatid ang mga bata sa bahay nila Catmint.

"The kids?" takang tanong ko sa kanya.

"Nahatid ko na po. Pinakain at pinaliguan ko na tapos pinaghanda ko rin ng mga gamit. They're already at Archer's house..." tumingin siya sa kanyang relo. "Twenty minutes ago."

"Bakit hindi niyo ako ginising?" nakanguso kong sabi.

"The kids told me to let you rest. Lagi ka raw kasing maagang nagigising kaya ayaw nilang maistorbo ka," aniya.

Napangiti ako dahil sobrang sweet ng tatlo. Saan kaya sila nagmana at gano'n sila kung mag-isip. Nakakatuwa naman.

Naligo muna ako at sabay kaming kumain. Wala akong imik kay Zius kasi syempre, ano namang sasabihin ko?

Nang matapos kami ay nakita ko ang kanyang pagngisi.

"Ano na naman ang binabalak mo?" tanong ko.

Ngumuso siya. "You forgot about our date?"

"Oh. Akala ko hindi matutuloy kasi 'di ba nasa hospit-"

Bigla niyang pinigilan ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.

"Kapag sinabi ko, hindi pwedeng hindi matutuloy," aniya saka ngumisi.

I shrugged. "Then let's go," sabi ko saka ako lumabas ng bahay.

Nakita ko ang pagtakbo niya para unahan akong magbukas ng pinto. Ang lawak talaga ng ngiti. Akala mo naman first date 'to. Hindi na kami teenager, ano!

"Enrolled na ba ang mga anak natin, boo?" tanong niya habang papalabas kami ng BV.

"Yes. Next week na ang start ng klase nila," I said then sighed. "I'll miss them."

"Ako rin," aniya. "Half day lang ang kindergarten, 'di ba?"

"Yes. I'll make sundo and hatid."

"Tayong dalawa."

"You don't have work?" takang tanong ko.

"I still do but I'm not going to accept any mission. Bibisita lang ako sa base siguro once a week then work from home na lang ako," pagpapaliwanag niya.

"You can retire early. I have money for us naman. Hanggang sa magiging apo sa talampakan natin ay may budget tayo," seryoso kong sabi.

"Syempre nakakahiya naman kung wala akong ambag boo. Malaki na rin naman ang ipon ko. Pero baka barya lang 'to sa 'yo," aniya saka bumungisngis.

Natawa ako nang bahagya. "Anong barya ka riyan?" pagtataray ko.

"Wow! Pati barya hindi mo alam?"

"Of course alam, 'no!"

Malakas siyang tumawa. "I'm just kidding! 'Yong barya para sa 'yo ay milyon, e."

Napailing-iling na lang ako. "I don't mind about your financial status, Zius."

"May black card kaya ako," pagmamalaki niya.

"Still, I don't care about it but thank you though. I appreciate you working hard pero igastos mo lang 'yan sa bahay o hindi kaya sa mga anak natin. Huwag na sa akin."

"Ang sarap naman marinig na sabihin mo ang 'anak natin', boo. May pamilya na talaga tayo. Grabe ang saya ko," aniya.

I smiled. "Kaya nga magpasalamat na lang tayo at may pera kami. Dahil kung mahirap tayong dalawa, siguro ay wala muna sa isip ko ang magkaanak. This is our privilege. Sulitin natin hangga't nabubuhay tayo."

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon