24: Family

83 2 0
                                    

Three days went by and I got a call from Cedar early in the morning. Bumungad naman sa akin ang pagmumukha ni Erazius habang yakap-yakap ako.

"Good morning, ganda. How's your sleep?" malambing niyang tanong.

"Okay lang," I uttered then cleared my throat. "Thanks for being here," tipid akong ngumiti.

Sa mga nagdaang araw ay hindi niya ako iniwanan. Hinayaan niya lang akong maging malungkot at umiyak dahil sa anxiety na nararamdaman ko. Ngayon ay okay na ako.

"No worries, my love."

Sinagot ko ang tawag ni Cedar. Ngayong araw kasi ay pwede nang makalabas si Elisha galing sa medical facility ng L'azienda. Bawal kasi ako ro'n kaya hindi ko siya nabisita.

"Oh?" bungad kong bati.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. "Kanina pa kitang tinatawagan!" pagtatampo niya.

"Buti nga sinagot ko pa."

"Can I ask for a favor?"

"Ano naman 'yon?" tanong ko sa kanya. Napalingon ako kay Erazius nang bigla niya akong pinaulanan ng halik sa pisngi. Clingy naman nito!

"Punta ka sa bahay ko tapos pakikuha lahat ng gamit na nasa sala. Para kay Elisha 'yon lahat, e."

I chuckled. "After ilang years, mabibigay mo na rin ang mga regalo mo."

"Kaya nga, e. Saka ikaw talaga gusto kong utusan para magkaayos kayo ni Zius," aniya saka bumungisngis.

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

"Ayoko nga. Hindi ko naman kayo pinipilit na magkabalikan. Gusto ko lang kayong mag-usap. Mukha kasi kayong galit pa rin sa isa't-isa."

I smirked. "K," maikli kong tugon. Mabuti na lang at hindi nila kami nahalata ni Erazius. I mean, wala namang mahahalata sa akin dahil hindi naman ako clingy sa kanya.

"Who is that?" malumanay na tanong ni Zius habang nililigpit ang aming higaan.

"Ced. Kailangan kong kunin ang mga regalo niya kay Eli tapos ihahatid ko sa unit niyo," pagpapaliwanag ko.

"Sama tayo," aniya habang nakanguso.

"K."

Ilang oras ang nagdaan nang makapaghanda na kami ni Zius. Kailangan pa kasi naming pakainin at paliguan ang mga bata tapos hinatid namin sila sa bahay nila Marcus dahil gusto nilang makalaro ang mga pinsan nila.

Syempre, magkaiba kami ng kotse ni Zius. Ayoko namang mahalata nila kami. Nasa kotse niya ang mga regalo ni Cedar para sa kakambal niya samantalang ang mga bata ay nasa kotse ko.

***

Napahiga ako sa sofa nang matapos naming ayusin ang mga gamit sa kwarto nila Elisha. Nakapikit lang ako habang nagha-hum. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata nang maamoy ko ang pabango ni Zius.

I froze when I realized that his face was just an inch away from mine. Nakatayo siya sa gilid ng sofa at nakayukong nakadungaw sa akin. Hindi ako makahinga at ayokong gumalaw-galaw dahil baka mahalikan ko siya. Ayokong mag first move, 'no!

"W-What are you doing?" I asked, stuttering as I looked away. Ayokong makita ang kanyang mga mata.

His eyes were the ones that I really adore before.

And those lips... Help! Hindi ako marupok!

Naputol ang aking pag-iisip nang bigla siyang magsalita.

"Staring at you," diretso niyang sabi. "Look at me..."

Bouquet of Heartbreaks (Fitzmael 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon