KABANATA 5

6.7K 188 137
                                    

Naghintay pa ako roon ng ilang minuto. Bagot na bagot ako habang nakatitig sa kawalan. Sakto namang napansin ko ang pagbaba ni Isleth at mukhang kagising lang kasama ang bunsong kapatid na hawak-hawak sa kamay. I smiled at them and waved. Mabilis silang tumabi sa akin at sa akin unang yumakap si Breth.

"You're here! Good morning, babe!" Aniya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Natatawang kinurot ko ang matambok na pisngi kaya humahikgik.

"Good morning too!"

"Breth, don't kiss ate! Look at your lips, you still have baby's milk on it!" Panlalaki ng mata nito sa nakababatang kapatid. Inirapan lang siya nito at tuwang-tuwang yumakap.

"I missed my girlfriend, ate!"

"Breth! She's not your girlfriend! Isusumbong kita!"

"Okay lang, Leth-Leth, hayaan mo na. And good morning!" Pigil ko agad sa kanya at ngiting binati.

"Good morning too, ate ganda! What are you doing here pala? Kuya Az and Kuya Halseth are still sleeping!"

"C-Can I just wake them up in their room?"

"Of course, ate! Mahirap din kasi silang gisingin minsan eh!" Aniya at pabirong nirolyo ang mga mata.

Napatango-tango ako at mariing kinagat ang labi. Inabot ko ang kamay niya at humawak. Kahit na limang taon ang tanda ko sa kanya ay malapit kami sa isa't isa at alam kong nakikinig siya sa akin.

"And huwag mong sasabihin sa mommy mo, okay?"

"Huh? Okay..." Nagtataka man ay napatango na rin.

Mabuti at napagsabihan ko rin si Breth at napilit na humiwalay sa akin. Madali ko lang naman siyang pagsabihan dahil talagang malapit siya sa akin. He's still six years old and always says that I am his girlfriend. Sinasabayan ko lang naman dahil bata.

Hinintay ko muna silang nagtungo sa kusina nila at nang tuluyang maisara ang pinto ay dali-dali akong tumayo at dahan-dahan pero patakbong naglakad pataas ng hagdan. Medyo kabisado ko naman ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nila dahil talagang nagagwi naman ako rito. Kwarto ni Azraeth ang una kong binulabog. Nakailang katok pa ako bago niya ako pagbuksan.

"What the fuck are you doing here, Dandie?"

Bakas ang gulat sa antok na mga mata at nagising yata ang inaantok na diwa. Wala pa siyang pantaas na damit at sobrang gulo ng buhok! Napairap na lang ako at hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya.

"I need keys to your brother's room, Az. Give me!" Unang bungad ko sa kanya at inilahad ang palad.

Alam kong pareho lang naman ang susi nila ng kwarto ni Halseth dahil pare-pareho din naman ang lock ng mga pinto.

"Why would you-"

"I'll treat you in McDo some other time, just give me your keys, Az."

"You witch!" Sambit pa niya at dali-dali rin namang inabot ang susi sa may taas ng pinto niya. "Kapag scam 'yon, lagot ka sa akin, Dandie!"

"Really? Ako? Malalagot sayo? Then I won't-"

"I'm just kidding alright! Kako, ako ang malalagot mamaya nito!"

"Good. Ciao. Continue your sleep now. Just don't forget to wake up, hmm? Baka hindi ka na magising..." I said and patted his head. Iniwas niya naman ang mukha at sinamaan pa ako ng tingin.

"Witch."

Napangisi na lang ako at hinawi ang natirintas na buhok bago tumalikod. Ni-ilang hakbang ko lang ang kwarto ni Halseth mula sa kwarto ni Az. Naka-lock nga ang pinto nang sinubukan kong buksan. Kumatok na lang muna ako ng tatlong beses at nang wala akong narinig na kahit anumang galaw sa loob ay sunod kong ginamit ang susi. Mariin kong kagat ang labi habang maingat na binubuksan ang pinto niya.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon