KABANATA 29

6.1K 122 24
                                    

Sa buong maghapon kinabukasan ay hindi ko nagawang lumabas pa ng kwarto ko at nagkulong na lang. Binalewala ko ang pagkatok nila at sinasabing abala ako sa ginagawa. Natatakot akong lumabas at harapin ang lahat.

Nakatulog lang ako buong maghapon sa kahihintay sa tawag o text ni Halseth. Pero wala akong nagisingan at nadatnan kahit isa. Or he was probably tired of sleeping with my sister last night? The thought almost killing me to death.

Hapunan lang nang lumabas ako dahil si kuya Chase na ang kumatok sa pinto ko pagkauwi. Akala ko ay papagalitan niya ako pero hindi siya umimik at binuhat pa ako pababa nang makitang matamlay ako maglakad.

"You're gloomy..."

"I just want to sleep all day, kuya..." Nguso ko at kumapit sa batok niya. "And I'm dalaga na, huwag mo na akong binubuhat-buhat pa. Magkakaroon ka na rin naman ng bagong princess eh,"

"You will always be my princess," he chuckled and kissed my forehead.

Ibinaba niya rin ako nang pumasok kami sa kusina. Kompleto na sila sa hapag kasama si ate Sunny na matamis na ngumiti sa akin pagkakita. Nakakadala ang pagngiti niya, dahil siguro buntis, kaya ngumiti rin ako. Dito na rin siya itinira ni kuya Chase dahil nagpapatayo pa lang naman sila ng magiging sariling bahay nila.

Tumabi ako kay mommy at sa harap ko ay si Ate Apple na tahimik lang na kumakain. Hindi lang naman siya pero lahat sila maliban kay ate Sunny na palaging nakangiti kapag susulyap ako sa kanya. As if her smile is relaxing me. I smiled back at her and eat my food slowly.

"Daddy, did you tell her already what you have talked about last night?"

Naibaba ko ang pag-amba kong pagkain sa narinig na  sinabi ni ate Apple. Nakaramdam ako ng kaba at tatanta kaya napainom ako ng wala sa oras.

"Shut up, Apple and let her eat first." Kuya Chase seriously uttered and interfered.

Hindi na umimik pa at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na rin naituloy ang pagkain dahil nawalan ako ng gana. May kung alam silang lahat na hindi ko alam at hindi sinasabi sa akin. It's making me feel more weak and anxious.

"What is it?" I managed to ask despite of my body trembling now.

"Eat first, sweetie hmm? Hindi mo pa nakakalahati ang pagkain mo,"

"Ngayon na, mommy, please? I'll eat later..." I plead and looked into her eyes.

She was hesitant and glanced at daddy who smiled at me and answered for mommy.

"It's nothing, darling. Serranos invited us for a dinner next Saturday in their house..."

"W-We'll talk about the wedding?"

Nagkatinginan sila at mas natahimik ang mesa. Si mommy ang dumalo sa akin at humaplos sa balikat ko bago ngiting sumagot.

"Yes, sweetie so please, eat your food..."

"O-Okay..."

Hindi na rin ako nagtanong pa at pinilit na lang makisalo at ubusin ang pagkain ko kahit na hirap na hirap akong lunukin. Hindi naman ako tanga para hindi makaramdam. Something is off. Something bad will happen. I can feel it and it's all about the damn wedding.

I cried the whole night thinking too much.

Habang palapit ang araw ng Sabado ay mas kinakabahan ako at hindi mapakali. I wanna run from it. I don't want to face it or anyone of them. I'm pitying myself now because I can't do anything. I don't have any rights now. I'm so afraid. I'm so scared. I don't know who to talk to right now and anxiety is eating me slowly. I'm overthinking too much and it's affecting my body and mind. I just wanna see Halseth and cry everything out while hugging him so tightly.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon