KABANATA 37

6K 141 12
                                    

Naging abala kami sa nagaganap na piyesta sa Santa Yvez. Unang araw pa lang ay marami nang tao ang dumalo at nakisaya sa Centro. Sa lawak ng Santa Yvez ay na-accommodate pa rin ang lahat ng taong naki-piyesta at nakiparada. Sumali rin kaming tatlo at kung saan-saang booth nagpunta.

Sa buong araw ding iyon ay hindi ko nasilayan si Halseth. Hindi ko alam kung dumalo ba siya o sino ang kasama.

Matapos ang naging sumbatan namin noong nakaraang linggo ay alam kong may nagbago sa trato niya sa akin. Kumakain pa rin naman siya minsan sa kainan ko tuwing tanghaliang may trabaho siya sa palengke at todo ang pagtanggi niyang kumain at tanggapin ang paanyaya ni Manang Cely na kumain roon sa puwesto nila. Sa akin pa rin siya at nagtutungo pero tipid at may limit na ang pakikipag-usap sa akin. Tanging ang nanatili lang ay ang pagbibigay niya pa rin sa akin ng empenada sa tuwing tanghali at hindi ko na tinatanggihan pang abutin kahit na naunukso pa rin ang ilan sa amin. Kung ako apektadong-apektado, siya ay mukhang balewala na.

Kinokontento na lang niya ang sarili sa pagsunod-sunod ng mata sa mga galaw ko at palihim na pagtitig kahit na nahuhuli ko na siya ng tingin minsan. Ako lang ang kuntodo ang iwas at naiilang ng bahagya. Palagi kasing pumapasok sa isip ko ang pangbubulyaw ko sa kanya noong araw na 'yon. Hindi pa talaga kami nagkaka-usap ulit at walang tiyempo. Hindi na rin kasi niya ako kinikita ng alas singko ng hapon kapag uwian.

At ngayon, habang nakapila kami para makakuha ng pagkain sa mahabang buffet ay hindi ko aakalaing mamamataan ko siyang papalapit yata sa amin. Marami man ang tao at medyo siksikan talaga ay napansin ko pa rin siya. Napatayo ako ng maayos at niyakap ang paper plate na hawak. Umiwas ako ng tingin para makaiwas sa pakiramdam na umaasang ako ang lalapitan niya.

"Andie,"

Ako nga!

"O-Oh?"

Hindi ko maiwasang pasadahan ang katawan niya. Maayos ang tindig at damit. Puting long sleeve na polo at hapit sa matikas na katawan, bahagya pang nakarolyo ang manggas sa siko kaya kita ang kulay pilak na relo sa may pulsuhan. Bukas rin ang dalawang butones sa may kuwelyo at sumisilip ng swabeng didbib. Itim na itim ang slacks niya at niyakap ang mahahabang biyas. Makintab rin ang black leather shoes at maayos ang pagkakapusod ng kalahating buhok sa ulo. Sa postura niya ngayon ay parang isa siya sa mga kilalang taong imbitado sa piyesta at hindi bagay na nakikisalamuha sa mga kagaya naming karaniwang mamamayan lang na nakiki-piyesta.

"Doon na lang kayo kumain. May ipinahanda na akong mesa para sa inyo."

"H-Huh?"

Medyo hindi ko narinig ang sinabi niya dahil mas lamang ang malakas na paghuhuramentado ng dibdib ko. Isama mo na rin ang mga taong maingay at masayang naghahain ng pagkain. May bahagya pang nakabangga ng likod ko kaya napaabante ako, sakto namang agad na pumalibot ang braso niya sa aking bewang at sinalo ang katawan ko.

"Hey, you!"

"Sorry, ser!" Rinig kong paumanhin niyong nakabangga sa akin at siguro ay nagtatatakbo na dahil sa masamang tingin ni Halseth.

Hinila ko ang dulo ng damit niya para agawin ang atensyon, agad rin namang bumaba ang tingin sa akin at sinulyapan ang halos pagyakap ko na sa kanya. Prenteng nakalapat ang kamay ko sa dibdib niya at nakayakap ang isang braso ko sa braso niyang nakapulupot rin naman sa may bewang ko. Ang mabangong amoy niya ang kumikiliti sa ilong ko sa kabila ng naghalo-halong amoy ng tao sa paligid.

Binasa pa niya ang labi at tumitig sa mukha ko. Baka namumula na nga ang aking pisngi dahil sa mainit rin ang panahon at nakababad kami sa araw.

"M-May sinasabi ka yata?"

Tumango siya bago inihilig ang mukha at ibinaba, tantya ko ay gustong bumulong.

"May ipinahanda na akong mesa para sa inyo, doon na lang kayo kumain." Dikit ng labi niya sa tenga ko at halos tumayo ang balahibo ko sa batok dahil sa biglang naramdamang kiliti.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon