KABANATA 41

7.2K 127 30
                                    

Pakiramdam ko ay wala namang nagbago sa trato niya sa akin sa mga sumunod na araw. Akala ko iiwan niya ako. Wala pa rin naman siyang sinasabi tungkol sa pinag-usapan namin noon at hindi na nagsalita pa. Basta ang alam ko ay nasaktan pa rin siya sa mga nalaman o siguro dismayado? Mabuti na lang at mas pinili pa rin niyang manatili sa akin kahit na palagi ko ring tinatanggihan ang alok niyang kasal.

Ganoon pa rin lalo pa at mas lumala rin ang tuksuhan nila para sa amin nang malamang kami na. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi o nagkalat pero nalaman ko lang bang kinompronta ko si Anna.

"Eh, sinabi lang ni Ambo! Umiyak pa habang sinasabi! Nagpakain ka na naman daw ng lips!"

"P-Pero sana hindi mo na sinabi sa iba!"

"Aba, deserve naman nila malaman, ano! Isang taon rin kaming nag-abang at nag-antay sa inyong dalawa!"

Napatampal na lang ako ng noo sa mga naririnig sa kanya. Pati sa palengke ay kalat na kalat talaga!

"Kasal na lang talaga kulang, buong baryo siguro ang buong mayayanig! Hindi sapat na kama lang ang nayanig!"

"Baka buntis na si Andie?"

"Kasal muna naman bago mga junakis!"

"Aba, mas maganda nang mauna ang mga junakis, 'no? Para wala nang kawala si Andie, baka umatras pa!"

Hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi nila. Mapa-kostumer man at lalo na ang mga kasamahan kong tindera din. Pulang-pula na siguro ang mukha ko at hindi ko nga masulyap-sulyapan ng matagal ang pangisi-ngisi lang na bruho sa may tabi. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aasikaso sa mga kostumer kong naghihintay rin ng mga pagkain nila.

"Andie,"

Napatayo ako ng maayos at mabilis na napaharap sa tumawag sa pangalan ko. Napasimangot ako nang makita ang nagmamayabang na mukha niya habang mabagal na ngumunguya. Syempre narinig at napansin na naman ng tao kaya sipulan at nanunukso na naman.

"Dapat may tawagan naman kayo, Zeth!"

Pinanlakihan ko ng mata si Shaning dahil sa pagpapasimuno niya.

"Honey? My love? Sweetie?"

"Darling? Babe? My sugar honey babe?"

"Baby," si Halseth na nangibabaw pa rin ang mababang boses sa kabila ng hagikgikan nila.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Susmaryosep! Oh, baby raw Andie? Asikasuhin mo na, baka asikasuhin pa ng iba!" Ani Aling Marites.

Siguro ay tinutukoy na naman si Celine na palagi na ring nasa puwesto nila at siya na ang pinagtitinda ni Manang Cely. Dinadayo na rin ang kainan nila at mostly ay mga kalalakihang namomorma sa kanya marahil nakilala dahil sa pagsali sa pageant noong piyesta. Mabuti na rin iyon para hindi na siya umasa kay Halseth, kung umaasa pa rin siya sa kanya. She's so obvious, she likes him. Sorry na lang siya.

Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi namamalayan. Masaya ang lumipas na buwang kasama ko siya lalo pa at papalapit na ang pasko at kami-kami ang magkakasama. Pero bago pa iyon ay ang mukhang nakalimutan niyang birthday niya. Hindi ko pa siya tinatanong kung anong balak niyang gawin dahil wala naman siyang sinasabi sa akin o pinaparinig.

Wala namang nakakaalam sa birthday niya rito at noong last year nga ay hindi ko alam kung saan siya nagpunta matapos kong paalisin nang magpunta sa bahay para yayain akong lumabas para mag-celebrate ng magkasama. I just greeted him and refused him in the end. He left so rejected. Alam kong nasaktan ko siya noon at alam ko ring ang tanga ako lang dahil iniyak-iyakaan ko rin iyon. Mahirap din sa aking gawin iyon noon at kinain ako ng konsensya at pagsisisi. Sa araw pa ng birthday niya! I was so heartless that time.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon