KABANATA 13

6.7K 147 19
                                    

Pagkatapos ng klase ay sabay uli kaming umuwi ni Azraeth at hinatid ako sa bahay. Agad akong naligo pagkapasok sa kwarto ko at ginawa ang lahat ng assignments ko pagkatapos. Lumabas lang uli ako nang nagtawag na si mommy para sa hapunan.
Kasalo na namin si ate Apple at nagkukwento sa nangyari kay Halseth. Tahimik lang ako sa upuan ko habang kumakain at naikinig sa usapan nila.

"Medyo okay na siya, daddy. Bumalik na sa dati ang pakiramdam niya,"

"Mabuti naman kung gan'on."

"Yes, dad."

"How about you, sweetie? Have you already visited him?"

Napaangat ang mukha ko kay mommy nang humawak siya sa balikat ko at tinatanong ako. Nilunok ko ang kinakain bago mabagal na sumagot.

"Uh, not yet mommy..."

"What? Why? You should, sweetie, go apologize to him."

"Uh," tumingin ako kay ate na napailing bago ako sinalo.

"Saka na, mommy kapag ayos na talaga siya." Ngiting sagot niya para hindi makahalata sina mommy at daddy na wala namang kaalam-alam sa nangyari noong nakaraan.

They doesn't know how Tita Angela dislikes, no, hates me and don't want me to go there.

"Oh, okay. Just invite him here some other day, I'll cook dinner for him." She smiled and daddy agreed.

"Okay! I'll tell him tomorrow!"

Napayuko na lang ako at tinapos ang pagkain. Ako ang naunang natapos kaya nagpaalam din ako at agad na nagtungo sa kwarto ko. Mabilisang nagsipilyo at nagpalit ng pantulog na damit bago pumwesto sa may kama ko.

Niyakap ko ang cellphone at hinintay na mag-7pm bago tatawag sa kanya. Napatitig na lang ako sa kisame habang pinag-iisipan pa ang sasabihin. Will he answer my call though?

My phone vibrated for a message. Nang sipatin ko iyon ay mensahe mula kay Az.

From: Azraeth Panget

Witch, kuya is on his bed now and will probably go to sleep. Hindi ko pa nasabi sa kanya na tatawag ka dahil nakabantay si mama sa kanya kanina. Call him now before he'll get sleep.

Nataranta ako roon kaya mabilis kong hinanap ang number ni Halseth at walang pag-aalinlangang nag-dial. It took three dials before he finally answered.

"Hello,"

Unang bumungad ang mababa at namamaos na boses niya sa kabilang linya. Napapikit ako at sinambit ng mabagal ang pangalan niya.

"Halseth?"

"Hmm?"

"Uh, how are you now? Ayos ka na ba?"

"I'm fine now. How about you? Are you okay?" He uttered raspily. Medyo naguluhan ako roon pero sumagot rin.

"Huh? Me? Bakit?"

"I'm asking you,"

"Hmm, I'm fine too." I bit my lip and suppress my cracking voice.

Silence echoed after I answered him. Hindi ko rin alam ang susunod na sasabihin gayong napakadami ko namang gustong sabihin sa kanya. All I can hear from the other line is his heavy breathings. I hardly bit my lip and swallowed hard the lump on my throat, I can feel my eyes with unshed hot tears. Guilt crept inside me.

"Are you mad at me?"

"Of course not. Why would I be mad to you, Dandelion?"

"I'm so sorry... Because I made you eat those muffins... I forced you... I threatened you..."

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon