KABANATA 40

7.2K 106 9
                                    

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Nakasalubong ko pa si Anna na kagagaling sa kusina at may bitbit na gatas. May panunukso ang mga mata pero hindi na nag-usisa pa. Pinauna ko na si Halseth sa itinuro kong kwarto ko at dalhin ang mga dala.

"Uuwi rin siya mamaya!" Depensa ko agad pagkabigay ng mga supot ng laruang para kay Ambo.

"Puwede naman siyang matulog sa kwarto mo. Gabi na kaya-"

"Ayoko. Uuwi siya." Panlalaki ko ng mata sa kanya kaya natawa na lang siya ng mahina.

"Okidoki!"

"Sige. Goodnight."

"Goodnight!"

Agad din akong nagtungo sa kwarto ko. Halos mag-init ang buong mukha ko nang madatnan siyang pikit ang matang nakatihaya sa kama ko habang yakap ang unan at inaamoy ang kumot ko!

"Halseth..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya at mukhang hindi pa narinig. "H-Halseth!"

Napabalikwas siya ng higa at napaupo nang marinig ang pagtawag ko. Pansin ang pamumula ng mukha at tenga niya kahit na malamlam ang liwanag sa kwarto ko.

"H-Hey,"

"What are you doing?"

Nameywang ako sa harap niya at taas ang kilay na tinanong. Napasuklay siya ng mahabang buhok at umiwas ng tingin habang kagat ang labi.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Later..."

My brow shot up when he took my hand and pulled me closer. Iniyakap niya ang mga braso sa bewang ko bago isinubsob ang mukha sa puson ko. Pinigil ko ang hininga nang pumaloob pa ang mga palad at humagod sa hita ko pataas. Umaamba ang mga daliring ibababa na naman ang suot kong panloob, lumagitik sa balat ko ang tunog ng pagkakabitaw niya.

"Alisin mo na 'to at iuuwi ko..."

"Bakit nga? Aanhin mo ba? Gamit ko na eh!"

"Please?"

"M-May natira pa akong isang panty sa hotel room mo, iyon ang kunin mo." Iwas ko ng tingin sa mga mata niya.

"Nilabhan ko na at nasa ilalim na ng unan ko-"

"A-Anong... Seryoso ka ba? Paano kung makita ng maglilinis?"

"Hindi ko pinapalinis ang kwarto ko kahit na minsan hindi ako natutulog doon."

"Kahit na!" hasik ko at sinabunutan ang buhok niya. "Umuwi ka na, hindi ka pwedeng matulog dito-"

"Matutulog ako dito."

"Hindi nga puwede. Baka may makakita pa sa kotse mo kinabukasan!"

"Uuwi ako ng madaling araw, pangako."

"Maagang nagigising ang mga tao rito."

"Oh please, baby. Ngayong gabi lang..."

"Ang kulit mo! Ano bang gagawin mo rito? Baka marinig pa tayo ni Anna sa mula sa kwarto niya, magising pa ang anak ko!"

Ang pagpupuyos ko sa inis ay biglang nawala at napalitan ng pagkapahiya nang nangibabaw ang mababang halakhak niya sa loob ng kwarto ko. I hardly bit my bottom lip when I realized what I just blurted without even thinking. He stopped laughing when I slightly slapped his mouth, I pouted my lips shyly.

"S-Stop laughing!" My face might in crimson red.

"Fuck. We'll just sleep, baby...." He licked his lip and suppress his teasing grin. "And I know, I can't take you here even if I wanted to, so bad. You moan so loud, Dandelion at baka kapag pinatuwad uli kita rito ngayong gabi ay mawarak pati ang kama mo..."

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon