KABANATA 45

9K 176 31
                                    

Hello there, my flowers!

Just want to say thank you so much for reading DANDELION! Salamat at nakaabot ka rito! Salamat sa pag-aabang! But sadly, need na nating magpaalam! This is the last chapter of Dandelion's POV. Thank you so much para sa inyong lahat na mga nagbasa at magbabasa pa! Hope y'all are doing great! Always ingat! I love you! ❀

Mommy stayed with me for the whole week.

Magkatabi kaming natutulog sa kama at siya ang palaging nagluluto ng pang-umagahan namin at todo ang pang-aalaga sa akin. As daddy promised, they're still waiting for me to go home. Hindi na sila nagpunta pa rito pero araw-araw naman silang tumatawag at nakikipag-video call. Isinasama ko na lang si mommy sa palengke at siyang pagtulong niya sa akin sa pagtitinda. Hindi ko na inilihim at ipinakilala ko siyang magulang ko dahil nalaman din ng ilang mga kapitbahay ang biglang pagsulpot ng maraming sasakyan sa kalsada papunta sa bahay noong nakaraan. Hindi na sila masyadong nag-usisa pa gayong tila marami ding gustong tanungin.

"Eat more, sweetie. Aw, you're getting healthier!"

"Tumataba ako, mommy?" That's what I understood.

"Oo, mama! Ang tambok ng pisngi mo, mama!" Bungisngis na singit ni Ambo na magana ring kumakain sa maraming pagkain sa hapag at katabi ko.

"T-Totoo?" Napanguso ako at mabagal na nginuya ang kinakain at bumaling kay Anna.

"Uh, healthy ang sabi ng nanay mo, Andie. Itong Ambo talaga..."

Tinanguan iyon ng nanay ko. "Yes! I said healthy, sweetie!"

"Pero totoo naman po, Nanay." Inosenteng singit pa ni Ambo at masayang ngumiti sa akin.

"M-Mataba ako, anak?"

"Opo, mama!"

Napasimangot ako at napatitig sa plato kong punong-puno ng pagkain. Naluluha ako dahil gusto ko pa ring ubusin kahit na todo ang pagpipigil ko sa sarili na huwag.

"W-Well, honestly... it was your husband who's always buying all of these, sweetie. I-I'm just cooking it for you and because he also kept on saying it. That's it..."

That brute!

At isang linggo na rin kaming hindi nagkakasama at nakakapag-isa simula noong unang araw na nandito si mommy. Bumibisita lang siya tuwing gabi at marami ang idinadala. Hindi ko man lang napansin dahil palagi naman akong nililibang ni mommy. Kaya hindi siya nakakalapit sa akin at uuwing hindi kami nag-uusap.

Ngayon, parang hindi ko na alam ang mukhang ihaharap sa kanya! Nahihiya na ako at na-cconscious sa sarili. Baka napansin na rin niyang tumataba talaga ako?

"Uuwi na ba tayo bukas, sweetie?" Tanong ni mommy nang matapos kaming kumain ng pang-umagahan.

Inubos ko muna ang gatas sa baso ko at napasulyap kina Anna. Napansin niya ang tingin ko at ngiting tumango.

"Huwag mo muna na kaming isipin, Andie. Malapit na rin namang umuwi si Christian at hihintayin muna namin bago kami magpa-Maynila para sa birthday mo..."

Gaya nga ng kuwento niya ay uuwi na talaga ang asawa niya dahil aalis na sa trabaho at dito na magta-trabaho. Sabi niya ay kinausap pala ni Halseth ang asawa niya at pinangakuan ng trabaho sa kumpanya nila sa Maynila para raw hindi ko ituloy ang plano kong pumalit roon sa ibang bansa.

"Pero uuwi pa rin ako sa birthday ni Ambo. Nakapag-plano na tayo sa birthday party niya, itutuloy natin 'yon..."

Tumango siya at ngumiti.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon